Search This Blog

Monday, April 11, 2011

May Pag-asa: Manalig at Magtiwala sa Diyos

Sa isang malayong dalampasigan ay may nakatirang bata na nagngangalang Hesus kasama niya ang kanyang ama. Nakatira sila sa isang bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy, karton, plastik at tela na nagsisilbing takip ng kanilang bintana. Julio ang pangalan ng ama ni Hesus na isang mangingisda. Simple lang ang kanilang buhay subalit masaya nilang hinaharap ang bawat araw. Kahit ganito lang ang kanilang buhay, ni minsan ay hindi tinuruan ng ama ang anak na gumawa ng masama at sa halip ay maniwala sa Diyos.
Isang araw habang sila ay nasa laot ay nagtanong si Hesus sa ama.
Hesus:"Ama, hindi pu ba mabuti ang Diyos?"
Nagulat ang ama at agad namang sumagot.
Julio:"Oo naman anak, kay buti ng Panginoong Maykapal."
Hesus:"Kung gayon po, bakit Niya kinuha sa atin si ina?"
Ang pagdududang tanong ni Hesus sa ama.
Julio:"Anak may mga bagay na sadyang mahirap intindihin lalo na sa iyong murang edad, pero kahit ganoon ay magtiwala at manaig ka pa rin sa Diyos."
Ang mahinahon na pagpapaliwanag ng ama sa anak.
Hesus:"Uhmmm... Eh, bakit po may mayaman at mahirap? Hindi ba't sinabi niyo na pantay pantay lahat nang tao sa mata ng Diyos, eh bakit po may mga taong tumitira sa maganda at malaking bahay< kumakain ng masarap at bakit din po  may mga taong nasasaktan at naaapi tulad natin? Hindi po ba tayo mahal ng Diyos?"
Ang mga katanugang tumatakbo sa isipan ni Hesus, kabilang pa rin sa pagdududa niya at patunay na unti-unti niyang pagkamulat sa katotohanan ng buhay.
Sumagot ang ama.
Julio:"Anak, alam kong mahirap intindihin sa iyo ang lahat. Unti-unti ka nang natututo at namumulat na ang iyong murang kaisipan sa katotohanan, anak totoo ang sinabi kong pantay pantay tayong lahat sa mata ng Diyos hindi man tayo nabuhay sa karangyaan, hindi man natin nakuha ang lahat ng naisin natin ay anak 'di ka dapat mawalan ng pag-asa. Kabutihan lang ang iyong pairalin, huwag kang gagawa ng masama anak, lahat tayo ay binigyan ng buhay para pangasiwaan at isaayos ito. Balang araw maiintindihan mo rin ang aking mga sinabi kaya anak, maaasahan ba kita na isasabuhay mo ang lahat ng aking pangaral sa iyo?"
Hesus:"Opo ama, makakaasa po kayo, maraming salamat po at pagpasensyahan niyo na rin po ako."
Tumalikod na ang ama na may mga ngiti sa kanyang mukha at nagpatuloy sa pangingisda.
Nang makaahon na sa dadat ay agad nang hinati ng ama sa dalawang timba ang mga nauli niyang isda, ang ia ay ipang-uulam nila at ang isa ay ipagbibili sa Bayan.
Kinaumagahan pagkagising ni Hesus ay wala na ang kanyang ama sa kanyang tabi, agad siyang nagtungo sa bintana na kung saan inangat niya ang tela  na nagsisilbing takip nito upang masilip ang labas. Sinilip niya ang pampang hindi niya nakita ang kanilang bangka na senyales na pumalaot na ang kanyang ama. Lumabas siya ng bahay upang maghanap ng ibang pagkakaabalahan.
Sa laot ay nakahuli si Mang Julio ng maraming isda higit sa inaasahan niya. Wika niya.
Julio:"Ang dami kong huli ngayong araw ang kikitain ko dito ay ipandadagdag ko sa pinag-iipunan kong pera para sa pagpapa-aral ko sa aking anak sa susunod na taon, maraming salamat po Panginoon sa masiglang huli ngayon."
Eksaktong tanghalian na at may nakahanda nang pagkain sa hapagkainan na tanging naghihintay na lamang ito ng taong kakain. Dumating na si Hesus sa bahay nila na tamang-tamang hinihintay siya ng kanyang ama. Nagdasal muna ang dalawa bago kumain, nagpahingang saglit at umalis sila patungong Bayan upang ipagbili ang mga isdang nahuli.
Pagdating sa Bayan, sa Bayan sa 'di inaasahang pangyayari ay may sumisiklab na kaguluhan, may isang grupo ng masasamang loob ang tinutugis ng mga pulis. Nagsasaluhan ng bala ang magkabilang panig, isa sa mga masasamang loob ang nang-agaw ng bag ng isang babae na nakita ni Mang Julio binilinan niya ang anak na huwag aalis sa kinatatayuan dahil mapanganib. Lubos ang pangamba ng anak sa ama, wala na lamang itong nagawa kundi sundin ang bilin ng ama. Sa kasamaang palad ay napatay sa saksak si Mang Julio, pupuntahan sana siya ng kanyang anak ngunit may ilang kabataan ang humila kay Hesus palayo. Naiyak ang bata habang nagpupumiglas makawala papalayo sa pinangyarihan kasama ng ilang kabataang patuloy pa rin sa paghila sa kanya.
Lumipas ang ilang araw at natanggap din niya ang pagkawala ng pinakamamahal niyang ama, hindi siya nawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Sumama siya sa mga kabataang tumulong sa kanya. Nakilala niya ang bawat isa at nalaman niya ang paraan nila ng pamumuhay. Sa masamang gawain lang nabubuhay ang grupo ng mga kabataang ito.
Buboy:"Hesus, tuturuan ka namin kung paano magnakaw para may pakinabang ka sa grupo."
Hesus:"Hindi! Kailan man ay 'di ako magnanakaw, bilin sa akin ni ama na huwag gumawa ng masama at ang magnakaw ay isang masamang gawain."
Ang pagtutol ni Hesus sa kagustuhan ni Buboy.
Buboy:"Wala na tayong magagawa pa, tanging ang mga bawal at masasamang gawain na lang ang makabubuhay sa tulad nating mga pulubi at alila na!"
2 be continued

No comments:

Post a Comment