Search This Blog

Monday, April 11, 2011

May Pag-asa: Manalig at Magtiwala sa Diyos

Sa isang malayong dalampasigan ay may nakatirang bata na nagngangalang Hesus kasama niya ang kanyang ama. Nakatira sila sa isang bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy, karton, plastik at tela na nagsisilbing takip ng kanilang bintana. Julio ang pangalan ng ama ni Hesus na isang mangingisda. Simple lang ang kanilang buhay subalit masaya nilang hinaharap ang bawat araw. Kahit ganito lang ang kanilang buhay, ni minsan ay hindi tinuruan ng ama ang anak na gumawa ng masama at sa halip ay maniwala sa Diyos.
Isang araw habang sila ay nasa laot ay nagtanong si Hesus sa ama.
Hesus:"Ama, hindi pu ba mabuti ang Diyos?"
Nagulat ang ama at agad namang sumagot.
Julio:"Oo naman anak, kay buti ng Panginoong Maykapal."
Hesus:"Kung gayon po, bakit Niya kinuha sa atin si ina?"
Ang pagdududang tanong ni Hesus sa ama.
Julio:"Anak may mga bagay na sadyang mahirap intindihin lalo na sa iyong murang edad, pero kahit ganoon ay magtiwala at manaig ka pa rin sa Diyos."
Ang mahinahon na pagpapaliwanag ng ama sa anak.
Hesus:"Uhmmm... Eh, bakit po may mayaman at mahirap? Hindi ba't sinabi niyo na pantay pantay lahat nang tao sa mata ng Diyos, eh bakit po may mga taong tumitira sa maganda at malaking bahay< kumakain ng masarap at bakit din po  may mga taong nasasaktan at naaapi tulad natin? Hindi po ba tayo mahal ng Diyos?"
Ang mga katanugang tumatakbo sa isipan ni Hesus, kabilang pa rin sa pagdududa niya at patunay na unti-unti niyang pagkamulat sa katotohanan ng buhay.
Sumagot ang ama.
Julio:"Anak, alam kong mahirap intindihin sa iyo ang lahat. Unti-unti ka nang natututo at namumulat na ang iyong murang kaisipan sa katotohanan, anak totoo ang sinabi kong pantay pantay tayong lahat sa mata ng Diyos hindi man tayo nabuhay sa karangyaan, hindi man natin nakuha ang lahat ng naisin natin ay anak 'di ka dapat mawalan ng pag-asa. Kabutihan lang ang iyong pairalin, huwag kang gagawa ng masama anak, lahat tayo ay binigyan ng buhay para pangasiwaan at isaayos ito. Balang araw maiintindihan mo rin ang aking mga sinabi kaya anak, maaasahan ba kita na isasabuhay mo ang lahat ng aking pangaral sa iyo?"
Hesus:"Opo ama, makakaasa po kayo, maraming salamat po at pagpasensyahan niyo na rin po ako."
Tumalikod na ang ama na may mga ngiti sa kanyang mukha at nagpatuloy sa pangingisda.
Nang makaahon na sa dadat ay agad nang hinati ng ama sa dalawang timba ang mga nauli niyang isda, ang ia ay ipang-uulam nila at ang isa ay ipagbibili sa Bayan.
Kinaumagahan pagkagising ni Hesus ay wala na ang kanyang ama sa kanyang tabi, agad siyang nagtungo sa bintana na kung saan inangat niya ang tela  na nagsisilbing takip nito upang masilip ang labas. Sinilip niya ang pampang hindi niya nakita ang kanilang bangka na senyales na pumalaot na ang kanyang ama. Lumabas siya ng bahay upang maghanap ng ibang pagkakaabalahan.
Sa laot ay nakahuli si Mang Julio ng maraming isda higit sa inaasahan niya. Wika niya.
Julio:"Ang dami kong huli ngayong araw ang kikitain ko dito ay ipandadagdag ko sa pinag-iipunan kong pera para sa pagpapa-aral ko sa aking anak sa susunod na taon, maraming salamat po Panginoon sa masiglang huli ngayon."
Eksaktong tanghalian na at may nakahanda nang pagkain sa hapagkainan na tanging naghihintay na lamang ito ng taong kakain. Dumating na si Hesus sa bahay nila na tamang-tamang hinihintay siya ng kanyang ama. Nagdasal muna ang dalawa bago kumain, nagpahingang saglit at umalis sila patungong Bayan upang ipagbili ang mga isdang nahuli.
Pagdating sa Bayan, sa Bayan sa 'di inaasahang pangyayari ay may sumisiklab na kaguluhan, may isang grupo ng masasamang loob ang tinutugis ng mga pulis. Nagsasaluhan ng bala ang magkabilang panig, isa sa mga masasamang loob ang nang-agaw ng bag ng isang babae na nakita ni Mang Julio binilinan niya ang anak na huwag aalis sa kinatatayuan dahil mapanganib. Lubos ang pangamba ng anak sa ama, wala na lamang itong nagawa kundi sundin ang bilin ng ama. Sa kasamaang palad ay napatay sa saksak si Mang Julio, pupuntahan sana siya ng kanyang anak ngunit may ilang kabataan ang humila kay Hesus palayo. Naiyak ang bata habang nagpupumiglas makawala papalayo sa pinangyarihan kasama ng ilang kabataang patuloy pa rin sa paghila sa kanya.
Lumipas ang ilang araw at natanggap din niya ang pagkawala ng pinakamamahal niyang ama, hindi siya nawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Sumama siya sa mga kabataang tumulong sa kanya. Nakilala niya ang bawat isa at nalaman niya ang paraan nila ng pamumuhay. Sa masamang gawain lang nabubuhay ang grupo ng mga kabataang ito.
Buboy:"Hesus, tuturuan ka namin kung paano magnakaw para may pakinabang ka sa grupo."
Hesus:"Hindi! Kailan man ay 'di ako magnanakaw, bilin sa akin ni ama na huwag gumawa ng masama at ang magnakaw ay isang masamang gawain."
Ang pagtutol ni Hesus sa kagustuhan ni Buboy.
Buboy:"Wala na tayong magagawa pa, tanging ang mga bawal at masasamang gawain na lang ang makabubuhay sa tulad nating mga pulubi at alila na!"
2 be continued

Sunday, February 20, 2011

"Talambuhay ng isang Anghel" by Marry Ann Angel M. Aviquivil


           Ako si Marry Ann Angel M. Aviquivil.  Ang  haba ng pangalan ko ano. Pero marami ang natawag na Angel, ang iba naman Gel. Ako ay ipinanganak dito sa Pilipinas, pero dun ako lumaki sa Saudi Arabia hangang apat na taon ako dun. Dahil dun nagtatrabaho ang aking mga magulang at dun sila nagkakilala. Kung hindi sila nagkakilala hindi ako mabubuo at walang anghel na darating sa buhay ng aking mga magulang.  
         Ipinanganak ako noong Marso 6, 1995 sa Medical Hospital. Mapalad at normal lang ako .Masaya ang aking mga magulang na ako ay naisilang na unang babaeng anak sa kanila dahil ako ay may kapatid na dalawa sa ama. Dahil hiwalay na sila ng aking papa kaya siya ay nagpakasal sa aking mama. Hindi ko masasabing “broken family” ang aking pamilya. Dahil una hindi ko iniisip na pangalawa lang kaming pamilya, dahil tinuturing kami ng aking papa na iisang pamilya at sa mga kapatid kong dalawang lalake ay tanggap nila ako at si mama.
        Pumasok na agad ako sa paaralan noong  tatlo at kalahating gulang palang ako sa Saudi Arabia hanggang sa nakauwi ako dito sa Pilipinas ng ako ay apat na taon at tinuloy ko ang aking pag-aaral. Nagkaroon ako ng dalawa pang kapatid. Bale lima na kame at itoy mahal ko. Mahal ko ang aking mga kapatid at pamilya ko. Nag-aral ako ng elementary nang ako ay anim na taong gulang sa Paaralang  San Pablo Central. Maraming nangyari sa akin noong ako ay bata pa. Maraming masasayang karanasan na  nangyari sa akin. Marami akong nakilalang mga guro at mga kamag aral. Nang ako ay elementary ang liit ko at cute ang iba. Kaya tawag sa akin ng mga kaklalase ko ay ate liit ang ganda hindi ba? Dahil ako daw ay parang ate sa kanilang lahat dahil mabait ako sa lahat tinutulungan ko sila kapag kailangan nila ng tulong ko. Matataas naman ang mga marka na nakukuha ko. Dahil nag sisikap ako para sa aking pamilya. Nang ako ay gagraduate na sa elementary ako ay nakakuha ng medalya at ito ay modelong mag aaral. Ako ay natutuwa at hindi ko ito inaasahan na mangyayari. Ang aking mga magulang ay tuwang tuwa dahil ako ay nagkaroon ng ganitong karangalan at ito ay pinahahalagahan ko at tinanggap ko.
        Pumasok ako sa Paaralang MSC o Management System Consultant ngayong sekondarya. Unang pasok ko pa lang doon ay marami ba akong kakilala dahil mga taga San Pablo Central rin sila noong elementary. may halong kaba at halong saya dahil may nakilala akong bagong mga kaibigan roon. 1st yr and 2nd yr lang ako sa MSC. Ang karanasan ko dito marami, ako ay achiever dito at iskolar sa paaralng ito. Pinagbubutihan ko ang aking pag aaral para makatulong ako sa aking pamilya. Dito sa paaralang ito naipakita ko ang aking talino at talent tulad ng pagkanta at pagsayaw, hinahangaan ako sa pag sayaw ng iba kong mag aaral at marami akong naging kakilala at kaibigan. Dito rin ako nag karoon n gung ng pag-ibig na magkaroon ng Boy friend.
       Ako ay isang Born Again Christian, lake akong laging nasa simbahan at isang mananayaw. Aking buong pamilya ay buong Born Again Christian. Nagpapasalamat ako dahil sila ang aking mga magulang at pinalaki akong may takot sa Diyos. Nagpapasalamat rin ako dahil nagkaroon ako ng pangalawang parang kapatid at sila ay aking kasama sa pagsasayaw sina Billy, MV at Dannah at marami pang iba sila ay aking laging kasama. Pagminsan mula nang bata pa kame. Kame ay nasayaw na sa Panginoon, ako ang pinaka bata sa dalawang mas matanda sa si Billy at MV. Pag may problema ako alam nila dahil matagal na nila ako nakakasama at alam na nila ang bawat galaw ko kaya sila ay tinutulungan ako at palage kong nsa tabi.
         Pag bakasyon lage kame nn napuntang Manila dahil pinupuntahan naming ang aking lola na nanay ni mama. Doon lake ang aking mama at duon siya nakatira. Nandun ang aking mga tito, tita at mga pinsan, mga pamangkin na rin sa pinsan. Marami akong kamag-anak sa pamilya ng aking mama dahil marami sila. Sa pamilya ng aking papa marami rin sila nandito sa Pilipinas at ang iba naman ay nasa Amerika. Masaya ako kapag nakikita ko at nakakasama ang mga pinsan ko dahil makukulit sila. Ang iba kong pinsan ay may mga asawa na kaya meroon na akong mga pamangkin sa pinsan at ito’y mga anak nila. Noong nakaraang bakasyon ang ginawa ko ay tumulong sa aking tatay nang pangangampanya dahilang ang aking papa nangandidatong konsehal ng bayan. Medyo pagod kaming buong pamillya sa araw-araw dahil masaya namn kahit papano kasi marami akong nakilala sa buong San Pablo at iba’t ibang  nasa pulitika at mga tao dito sa buong San Pablo. Marami akong mga nakahalubilong tao may masayahin, may mabait at makukulit na makakasama. Nakasama ko palagi sa pangangampanya ay grupo ng mananayaw at iba’t ibang mga nag peperform sa Manila. Kaya ito ay bisang magandang bakasyon na dumating sa aking buhay dahil kasama ko ang aking buong pamilya sa araw-araw.
         Noong 3rd yr lumipat ako sa Dizon High. Marami akong nakilalang kaklase dahi marami kami sa isang silid aralan. Pero nung unakong pasukan masaya ako dahil ito ang pinaka una kong punta doon sa paaralang iyon nakakatuwa naman dahil lahat sila ay kinakausap ako. Kaya natutu narin akong makihalo bilo sa kanila. Sumali ako sa mga aktibidades at sinalihan ko ay ang pagsasayaw. Kaming mag kaklase ay sumali at nanalo . kaya ako ay tuwang tuwa dahil sa pag hihirap naming ay nanalo kami. Kaya nag papasalamat ako sa aking mga  grupo sa sayaw.
        Nang pumasok ako sa Dizon High marami akong nakilalang mga kaibigan. Naka kita ako ng isang lalaki na hanggang ngayon ay kami parin dahil siya ay aking Boy friend na siya ay si Ruel Salcedo, na nag bibigay inspirasyon sa aking araw araw  at pinapasaya ako, pinapangiti ako sa araw-araw kahit hindi ko siya kasama. Maraming mga problema na dating sa amin pero ito ay na sosolusyonan naming at hindi kami nasuko. Masaya ako sa realasyong ito.
       Ngayong 4th yr  na ako ang daming palaging ginagawa at ito ang pinaka masayang sekondarya sa buhay ko. Dahil masayang kasama ang aking mga kaklase ko at hindi nakakasawa. Dahil araw araw sa silis aralan ay palaging nag tatawanan, nag kukuwentuhan at nag kakantahan. May iba’t ibang ugali at mundo ang mga kaklase ko pero pag nag karoon ng paligsahan at sinasalihan ng aktibidades ay kami ay nanalo dahil nag kakaroon ng kooperasyon at palagi nag tutulungan sa lahat. Kahit minsan nag kakaroon ng galitan, awayan at hindi pag kakaintindihan ay ito ay nasosolusyonan at natatapos din. Ang pinaka masayang araw ko sa 4th yr ay ang JS o ang junior and senior prom, ito ay isang pag diriwang na hindi ko malilimutan at pinaka mgandang pang yayari dahil ito ang huling pag diriwang sa aking buhay. Kaya nag pakasaya na ako  sa araw na iyon.
     Ayan malapit na akong makatpos ng pag-aaral sa sekondarya. Alam kong may nag iintay sa akin kapalaran at makakakuha ako ng magandang kurso sa kolehiyo. Mag tatapos ako ng pag aaral at susundin ko kung anong gusto kong marating at ito’y makakamit ko.

Saturday, February 19, 2011

TALAMBUHAY NI KRISLYN JOY M. CACAO Ang babaing marunong magpahalaga

            Ako si Krislyn Joy M. Cacao na may palayaw na Islen.  Akoy’y isa sa mga naninirahan sa Barangay San Buenaverntura sa Lungsod ng San Pablo.  Ako’y bunsong anak nina Crisostimo B. Cacao at Jocelyn M. cacao at may dalawang kapatid na sina Kristina at Chris Aldwin M. Cacao.  sa kasalukuyan ako’y nag-aaral  sa paaralan ng Col. Lauro Dizon Memorial National HighSchool dito sa San Pablo. At nagtapos ng elementarya sa paaralan ng San Buenaventura Elementary School.
Mamemertdeyan...hehe

            Batay sa kwento ng aking pamilya sanggol pa lamang ako ay sobra ng lakas umiyak na halos pati mga kapitbahay ay naiingayan sa akin.  Pero napansin ko na kabaligtaran ang nangyari.  Kung noong sanggol pa ako’y maingay ngayon namang  malaki na ako ay biglang tahimik na hindi masyado umiimik at hindi din palangiti.

Graduation Kinder
            Pagpasok ko sa elementarya, unang antas pa lamang ay ako’y umulit na. Hindi dahil sa may mababa akong marka kundi masyado pa akong bata para mag-aral sa unang antas.  Itinuring ako ng aking guro na parang bunsong anak.  Pinapatulog pa ako ng aking guro sa loob ng silid-aralan.  Pati mga kamagaral ko ay naiiingit sa akin.  Patuloy pa din akong nag-aral na dumating sa panahon na ako’y marunong ng magpahalaga sa aking kapwa at marunong ng gumalang.  Nasa elementarya pa lang ako ay marami na akong kaibigan marunong na akong rumespeto sa mga nakatatanda sa akin. Lahat ng utos nila ay ginagawa ko ang magtinda, maglinis ng silid at lumahok sa mga proyekto.  Nabigyan ako ng pagkakataon para maipakita ang aking lakas  sumali ako  sa isang laro kagaya ng football.  Doon at natuto akong makisama, maging tapat at higit sa lahat tumanggap ng pagkatalo.  Kung minsan at may hindi pagkakaunawaan na lumalabas na nagiging mayabang ako pero ito ay dahil masaya ako at ipinagmalaki  ko ang tagumpay namin. Lahat ng natutunan ko sa panahong ako’y bata pa ay malaking impluwensya para tumungo sa bagong yugto ng buhay.

Napakapal ang lipstick....hehe
            Pagkatapos ko sa elementarya ay sekondarya naman.  Bagong kamag-aral, bagong eskwelahan at bagong kaibigan.  Sa totoo lang ang alam kong papasukan kong seksyon ay ang pinakamataas. Subalit nagkamali lang ang isang guro na nakapasa daw ako sa Science Curriculum.  Kaya napahiya ako dahil naikwento ko na ito sa mga kaibigan ko, pero hindi ito hadlang para sumuko agad ako.  Unang araw pa lang ay marami na akong nakilala.  Nahihiya ako sinubukan ko pa rin.  Kahit hindi sa pinakamataas na seksyon masaya pa din dahil puro kalokohan at tawanan.  Sa una talaga naninibago ako dahil sobrang init at malalayo ang silid aralan.  Hindi ako sanay sa ganito. Nakasanayan ko kasi na malapit lang at hindi masyado mainit.

            Naging masaya din ang ikalawang antas ko sa sekondarya.  Kahit na may mga kaklase akong napalipat ng seksyon at umalis na dito sa San Pablo. Hindi pa din namin malilimutan ang pinagsamahan namin at ang aming pagkakaibigan.  Madaming masasayang nangyari sa mga panahong ito.  Nagkaroon kami ng mga bagong kaibigan na mga fourth year  students kung saan sila ang nagturo sa amin ng pagsasadula sa Florante at Laura.  Nakakapagod ang pagsasadulang ito, dahil tuwing hapon ay nageensayo kami, minsan pa nga ay ginagabi kami sa paguwi para lang mapaganda ang pagsasadulang ito masaya pero nakakapagod talaga.  Nagdulot naman ito ng maganda na para sa amin.  Nagkaroon kami ng mataas na marka at talagang nababagay sa amin yon dahil pinaghirapan namin ito.

Ganda ko dito...
            Sa labing  limang taon ko dito sa mundo hinding-hindi ko malilimutan ang naranasan  ko noong ako at nasa ikatlong antas na.  Dito nagsimula ang pinakamasayang araw sa aking buhay.  Lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigan.  Maraming kwentuhan, maraming kasalawan, maraming gala at maraming kalokohan.  Sa tuwing may kaarawan ang isa sa amin at lahat kami ay imbitado at magkakainan sa isang bahay.  Kapag may piyestahan at kahit ano mang okasyon magkakasaman kami.  Hindi talaga matatawaran ang kasiyahang ito.  At isa pang nakakatuwa sa taong iyon ay noong nagkaroon ng isang konsyerto sa aming paaralan.  Isang napakasiyang gabi, kasali sa sayawan ang mga kaklase ko kaya nakakatuwang manood.  Todo suporta kami sa kanila.  Mistulang parang tunay silang artista at kami ang kanilang tagahanga.  Dalawang beses nagkaroon ng konsyerto sa aming paaralan una noong Disyembre at sumunod pa ay noong Pebrero.  Bago ang lahat ng iyan, may kaganapan na hindi ko inaasahan.  Isang kaibigan ang gumawa ng masama kaya nabawasan ang pagtitiwala ko sa kanya.  Lagi ko pa naman siyang katabi buong araw.  Para sa akin hindi magandang dahilan ang kagipitan sa pera para siya ay kumupit sa kanyang pamilya.  Sana lang naging bukas siya sa amin para natulungan naming siya.  Pero ano pa ba ang magagawa ko?  Nagawa na niya ang kanyang kasalanan.  Sana lang pagsisihan niya iyon.  Pinilit naming kalimutan ang nangyari patuloy pa ding ang kasiyahan.  Bago pa man magtapos ang taon na iyon.  Marami kaming bahay na pinuntahan para magsayahan, pero pagkatapos noon, madaming mawala sa amin.  Napalipat ang iba sa ibang seksyon  at ang iba ay lumipat na ng tirahan.  Napasaklap ng ganoong pangyayari.  Sa likod ng kasiyahan ay may kalungkutan din.  Ito ang natutunan ko sa pangyayaring ito.  Dapat bawat araw ay pahalagahan, bawat kaibigan at bawat kasiyahan o kalungkutan.  Dahil hindi lahat ng tao nagpapasaya sa iyo ay permanente sa buhay mo.

"Hawaiian Theme"  Last JsProm
            Ito ang huling taon ko sa sekondarya.  Masaya na may halong kalungkutan.  Masaya dahil nadagdagan kami ng mga bagon kaibigan at malungkot dahil may napahiwalay na sa amin at alam namin na huling taon na namin ito.  Bawat araw sinulit namin.  Simula noon magkaroon kami ng cheerdance, hindi talaga malilimutan ang pangyayaring iyon.  Nagkaroon pa ng palaro na kalaban ang ibat-ibang seksyon.  Nakakapagod na masaya.  Lalo na’t kami ang nanalo sa football at volleyball.  Pagkatapos noon nagkaroon naman kami ng Junior Senior Prominade.  sobrang saya, nakakabitin nga lang.  Pati ang napakabait naming guro ay masaya sa piling namin.  Kahit medyo masama ang panahon tuloy pa din.  Unti-unting bumibilis ang panahon natapos na ang Junior Senior Prominade tapos isang konsyerto naman tapos graduation na.  Nakakalungkot dahil magkakahiwahiwalay na kami.  Para sa akin napakabilis talaga ng oras.  Dati rati lang bagong bago lang ang paaralan na ito tapos ngayon lilisanin na ito.  Hindi ba’t nakakalungkot?  Ang dami kong mga kaibigan dito maraming masasayang sandali.  Lahat ng ito maaalala ko kapag umalis na ako.  Mga kaibigan na puro kasalawan, mga kakilala na puro asaran at bawat sulok ng paaralan ay nangyayari ang tawanan.

Ang Aking Talambuhay





                                                        TALAMBUHAY NI JULY BANAAG
                                                          (Ang Kweto ng Batang Sawi Sa Pag-Ibig)

Sa larawang ito ako ay 1 taong gulang na.
                        Ika-tatlo ng buwan ng Hulyo, taong 1994 ay  ipinanganak sa daigdig ang nilalang na tao na pinangalangang July ng kanyang mga magulang dahil na rin siguro sa buwan ng kanyang kapanganakan. At ang nilalang na tinutukoy ko ay walang iba kundi ako, ang mismong nagkwekwento ng istoryang inyong binabasa. Ako ay pinanganak dito na mismo sa lungsod na ito, ang pinakamatandang lungsod dito sa Laguna at isa sa pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, walang iba kundi ang lungsod ng San Pablo. Sa lungsod na ito, lungsod ng San Pablo ay dito na ako lumaki, kasama ng mga magulang ko na sina Sonia at Gaspar, at ang aking kapatid na si John Carlo.

                       Noong ako ay nasa murang edad at kaisipan wala akong ginawa kundi ang maglaro, matulog, magtakaw o kumain,at magkalat. Habang ako ay lumalaki ay marami akong matututunan kaya sa murang edad ng lima ay ako ay pumasok na sa Kinder. Iyakin ako noon at ayaw na ayaw ko na ako ay iiwan ng aking mga kamag-anak. Natapos ko na ang kinder, at tutungtong na ako ng elementarya bilang Grade-1. Hindi ako tinanggap sa Central sa pagkat ako daw ay sobrang liit at hindi pa daw ako bagay mag-isang baitang dahil daw sa aking taas. Kaya ako ay umulit pa ng isang beses sa kinder sa P. Alcantara.Nakapagtapos at Natanggap na rin akong grade-1 sa gulang na pito sa paaralan ng Ambray sa may Maharlika highway. Tanda ko pa noong unang pasukan ay ang saya-saya ko at gustong- gusto ko laging sasagot sa mga tanong ng guro.

Sa larawang ito ako ay 4 na taong gulang na. Bakasyon namin sa Baguio.
                       Pagkatapos, ako naman ay nakatungtong sa ikalawang baitang, dito ay umangat ako ng kaunti ng seksyon, pangalwa na ang seksyon ko sa pinakamataas. Dito ako nag-sipag at sa pagtatapos ng ikalwang baitang ay pinangaralan bilang top-notcher sa aming klase. Kung saan ako rin ay nakakuha ng parangal na best in Math.

                       Nasa ika-tatlong baitang na ako, kung saan ako ay na pabilang na sa pinakamataas na seksyon. Dito marami akong nakilala. Masaya ako sa mga panahong iyon. Dito rin ako nabangga ng sasakyan kasama ng aking kapatid at ina. Agad naman kaming tinulungan ng nakabangga sa amin at dinala sa  ospital. At nakalimutan kong sabihin na bago ako tumuntong sa unang baitang ay inoperahan ako sa malapit sa may dibdib dahil sa nakitaan ng sis bukol na maaaring lumala kung hindi maaagapan. Tagumpay naman ang nangyaring oprasyon salamat sa Diyos.

                       Sa ikaapat na baitang dito ako unang nagkaroon ng crush dahil sa boses at ugali niyang kay ganda. Masaya ako sa panahong ito, tanda ko na dito natutong  maglaro ng kinahihiligan ko ngayong basketbol. Palagi kaming nag lalaro ng basketbol kapag awas na kami sa likod lamang ng paaralan. Marami pang-nangyari sa panahong ito pero itutuloy ko na sa pang limang baitang.

                       Sa ikalimang baitang ay dito na ako natutong maglaro ng komputer. Naadik ako. pero sa pag-laon ay minsan n lang akong makapaglaro at bumalik ako sa kinahiligan kong basketbol. Dito ay nakapag-buo kami ng grupo ay sumali sa liga ngunit tatluhan lamang. Hindi kami pinalad na manalo. 0-3 ang aming rekord, wala kaming naipanalo marahil ay dinaya rin kami sa oras, pero wala na kaming nagawa pa. Sa katapusan ng Grade-5 ay bakasyon na ulit. ko ay muling nabangga ng rumaragasang tricycle at ako ay napahiga sa kalye sa lakas ng pagkakabangga. Segundong dumilim ang paningin ko, at agad bumaba ang drayber para ako ay tulungan. Sinabihan niya ako na dadalhin sa ospital, Ngunit ako ay tumanggi sapagkat baka ako ay mapagalitan ng aking mga magulang, pagkat ako ay tumakas lamang sa amin upang mag-gala. Umuwi akong nananakit ang aking kanang braso. Dahil na rin ay minsan ng nasaktan at nabalian ang kang braso ko noong ako ay bata. Tumalon ako sa upuan  at ang nasa-isipan ko noon ay ako si superman, ayun nabalian ang kang braso ko at halata sa ngayon pagkat hindi ito pantay.

                       Tumuntong na ako sa pinakahuling baitang, ang Grade-6. Dito mas umangat ang karir ko sa pag-aaral. Ako ay napasali sa isang science quiz bee sa unang pagkakataon. Hindi man ako pinalad sapagkat una ko palang itong sali. Ako ay tuwang-tuwa at dahil nakuha ng kaklase ko ang unang parangal sa science quiz bee, siya ang valedictorian namin noong grade-6. Masayang masaya ako kahit pangpito lamang ako. Pagkatapos ng saya, ay isang gabi. Ako ay umuwi upang kumain. May ulam na Hotdog, Isda at ham noon. Nakita ko rin ang maiinit na sabaw ng tahong. at kinain ko rin ito at inulam. Ilang sandali ay sumama ang pakilasa ko, agad akong nahiga sa upuan.Nakita na lang ako ng aking ina na putlang putla.At agad akong tinanong kung ano ang nangyari, sinabi ko na kinain ko lang yung tahong ay sumama na ang pakiramdam ko. Agad naman akong sinubuan ng isang kutsarang asukal ng aking ina at isinugod sa ospital. Agad naman akong tinurukan ng isa yatang baguhan na nurse. Kinabukasan ay nawala nga yung sama ng pakiramdam ko, ngunit lumaki at namaga ang kanang braso ko, sapagkat mali ang pagturok nang nurse, sapalagay ko na na-red tide ako noon at muntik na akong mawala sa pang-apat na pagkakataon . Tapos na ang lahat at ako'y bumalik na sa paaralan. Agad akong kinamusta nila. Nagsimula ulit akong maghabol at sa huli ay nakuha ko ang parangal na 5th special mention.

JS nung 3rd year
JS nung 3rd year
                       Ngayon naman ako ay  tumungtong na sa 1st year dito sa pinagkakautangan ko na paaralan na Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Mas marami akong nakasalamuha at nakilala. Marami akong mga naging kalokohan, naging malapit kong kaibigan si Nickdhel Aro noong 1st year. Naglalaro kami ng basketbol kasama ng ibang kaklase. Noong naglaon pa ay lulong na lulong pa sila sa komputer na kasama si Nickdhel, mula noon ay hindi ko na siya itinuring na malapit na kaibigan. Naging kalaban ko na rin sila sa mga marka, wala ng friendly game, sina Armamento, Abiertas, Banayo at Aro. May mga nagkgusto sa akin, ngunit hindi ko pa alam ang pag-ibig noon. Kaya binale wala ko lang. Mahal na mahal ako dati ng isa kong kaklase pero hindi ko pinansin dahil wala naman akong nararamdaman sa kanya. Nagtapos ako sa 1st year.

                       Second year na ako, dito ako unang umibig. unang minahal ko ay ang aking kaklase na si "Marenelle Bayan".Nagkaroon din ako ng pagpipilian na kung itutuloy ko pa ang pag-ibig ko o huwag na lamang dahil nagmamahalan sila ng kaibigan ko kahit di sila. Dito na ako nalito hanggang isang araw nagkaroon ako ng kasintahan na hindi ko naman minahal. Tanging pag -sisinungalin ang nagawa ko sa pitong bwan naming pagsasama. Hindi kasi maayos ang nangyari noong  simula  dahil siya ang nagtanong at  ako'y napasagot lamang ng oo. Ngunit natapos din ang panloloko ko dahil sa tagapayo ko na  walang iba kundi si "Marenelle". Hanggang natapos ko na at 3rd year na dito ako napariwara ng husto.

                       Hindi ako nagkaroon ng kasintahan ng buong 3rd year ko. Ngunit nakapanligaw ako ng 10 months Pinilit ko, kinulit, umaasa ako na mamahalin din ako ni "Shiara Mae Sabirin".Minahal din naman daw nya ako, talaga lang na bawal pa siya. Kaya wala na akong nagawa.Nakatanggap ako ng souvenir sa kanya noong shidig . First time na nangyari sa akin iyon at hindi ko makakalimutan.

                       4th year na, kasalukuyan, dito ako nagkaroon ng kasintahan sa ikalawa at ikatlong pagkakataon. Naging mahal ko si "Krislyn Cacao" babaeng hindi ko naman  mahal noong una at binabale wala ko lang ang pinakamahal kong babae. Marami kaming naging problema, selosan, hindi pagkakaunawaan at tampuhan. Nauwi lang sa wala ang lahat. At nalaman ko rin na lokohan lang sa kanya ito. Nakaroon din ako ulit ng kasintahan sa tulong ni David ang kaklase ko. Masaya na ako akala ko ay siya na ang mamahalin o sa habang buhay pero hindi rin pala, napakasaya ko noong kami  pa. Nakatanggap din ako ng souvenir noong kami pa. Ikunuwento ko pa rin iyon kay " Marenelle". Tapos bigla ng nagbago ang lahat. Nakita daw nang mommy niya ang sulat para sa kanya para sa monthsary namin. Nakipag hiwalay siya sa akin bisperas ng Pasko. Napakasakit at wala na akong ginawa kundi mag-mukmok, hindi kumain ng wasto at magpatugtog ng mga senting kanta, haabang nagtagal ay natanggap ko rin at gusto ko na lang makipagkaibigan sa kanya ngunit ibang-iba na siya sa nakilala kong si "Beverly".

JS nung 3rd year
                       Ngayon ay nagkaroon ako ng mas matatalik na kaibigan kasama sa laro, tawanan, kulitan, lokohan at mga gimik. Parati kaming ginagabi pagmagkakasama. Napakasayang bonding moments together with them at dito sa 4th year ko muli kong inibig si "Marenelle". Nagkaroon ako ng cf o close friend na si Reginae na kaklase ko rin. Tanda ko na akoy nagluto ng miryenda, para sa tita kong aalis, nagdala ako ng spaghetti ko sa lake dahil naroon ang aking mga kaklase lalo na ang mahal kong si "Marenelle". Inihandog ko ang spaghetti sa kanya. Tamang-tama dahil hindi pa siya kumakain ng gabing iyon. Naghati-hati sila nina Wilyn at kapatid ni Wilyn. Ang bait talaga ni  "Maren" dahil binahagian niya ang aming mga kasama. Hanggang sa naglaon ay nalaman ko na wala akong pag-asa sa mahal kong si "Maren". Tinanggap ko naman ang mga sinabi nya. Humiling lang ako sa kanya na lagi akong sasama sa kanya dahil gusto ko lang na gugulin ang nalalabi kong araw  dito sa aming paaralan. Pumayag naman siya at doon ay nagpapasalamat naman ako sa kanya. Ngayon ako ay nagmamahal ng walang kapalit. Masaya ako doon , at kong saan ako masaya doon ako. At sa ngayon ay marami akong mga pangarap pipilitn kong makamit iyon hindi lang para sa akin, kundi para sa mahal ko rin  sa buhay lalong-lalo na sa aking pamilya. Pipilitin kong dumaan sa tama,  I mean tatahakin ko ang hirap para sa tama at tagumpay, na balang araw maipagmamalaki ko rin ang aking sarili at ng iba. 

Friday, February 18, 2011

Willene Joyce C. Ventocilla ( Ang babaeng palaban)


me and my sisters
Willene Joyce C. Ventocilla ang pangalan ko. Ipinanganak  ako noong Hunyo 20, 1995. Ang magulang ko ay sina Nenet at Wilfredo Ventocilla. Ang nanay ko ay isang guro samantalang isa naming negosyante. Tatlong kaming magkakapatid, lahat kami ay babae. Nakatira ako sa San Juan San Pablo City.
Masasabi kong ang buhay ko ay puno ng mga paglalakbay o sabihin na nating mga karanasan. Elementarya pa lamang ako ay sinasabi na nilang may “utak” daw ako. Noong nasa unang baitang pa lamang ako ay mayroon na akong sabit . ngunit nahinto ito ng lumipat ako sa San Pablo Central School. Mahirap makipag kumpitensya sa ganoong paaralan, dahil masyadong maraming kakumpitensya. Ngunit kahit hinda ako nabilang sa mga may sabit ay nabilang naman ako sa mataas na seksyon. Noong nasa ikalawang baitang ako ay lagi akong niloloko ng mga kaklase ko, dahil maitim daw ako. Dumating pa sa punto na ayaw ko ng pumasok. At ng nasa ikaapat na baitang na ako  hinda pa rin nawala ang mga manunukso. Isa na doon si “VJ”. Dumating pa sa punto na sinugod iyon ni mama dahil sabi niya ay muka daw akong kalabaw. At noong nasa ikalimang baitang na ako ay lumipat naman ako sa San Juan Elementary School. Sa umpisa ay ay mahirap makisama sa mga bagong kakilala, ngunit hinda nagtagal ay nakapalagayang loob  ko na rin sila. At dito rin umusbong ang aking “ PUPPY LOVE” na sinasabi. Dito ko nakilala si “RR”. Nang magtagal ay nagkakatext na kami. Isang  pagkakataong tinext nya ako na “TCIC at 14344”. Ngunit sa kasamaang palad ay hinda ko pa alam ang ibig sabihin noon. Pinabasa ko ito sa ate ko at itinanong kung ano ang ibig sabihin  nito. Ganito na lamang ang nasabi niya “ tange ibig sabihin niyan ay TAKE CARE COZ I CARE, tsaka I LOVE YOU VERY MUCH, sino naman yan? Batang bata mo pa ang kire mo na”. Tawa na lang ang naisagot ko sa kanya  dahil kinikilig ako. Nagpatuloy ang ganoong koneksyon namin sa isat-isa na tinatawag na “M.U” o walang malinaw na usapan hanggang ika-anim na baiting. Hanggang sa magsipag-tapos na kami at kailangan na naming maghiwalay ng landas. Ngunit para sa akin ay simula pa lamang iyon ng aking paglalakbay, dahil kailangan ko ng harapin ang aking “highschool life”.
Noong nasa unang antas ako ng hayskul ay napabilang ako sa seksyon “A”. Pag-aaral   lamang ang inatupag ko noon, bahay-iskul lang. Nang mga panahong ito rin nagsimula ang madalas na pag-aaway ng magulang ko, dahil nawalan ng trabaho ang tatay ko at nagkukulang na kami sa pinansyal na pangangailagan. Medyo kinapos kami kaya sa dizon high ako pinapasok  at sa panahong ding ito ay college ang ate ko  kaya hinda ako pinapasok sa private school. Sa una ay hindi ako sanay sa ganoong buhay,dahil noong bata pa kami ay at may trabaho pa ang tatay ko pa ang papa ko ay tuwing walang pasok ay lagi kamina nag-shoshoping. Lahat ng gusto namin ay nabibili namin.tulad ng mga usong damit at masasarap na pagkain. Pero habang lumalaki ako ay napag-iisip ko na ang buhay ng tao sa mundo ay hindi permanente. Noong nasa ikalawang antas na ako ay ay sa awa  pa rin naman ng Diyos ay nabilang pa rin ako sa seksyon “A”. ditto na naman lumitaw si RR, tulad ng dati parang kami ulet pero wala naman kaming matatawag na relasyon. Naiintindihan ko iyon dahil naisip ko na ganoon talaga dahil mag-kaiba na siguro ang mundo naming ginagalawan.
2nd year
At ng mag-ikatlong antas na ako ay nakalimutan ko na siya. Pag nagkikita kami ay parang wala lang. Dito na ako nagsimulang umuwi ng medyo late. At dito na rin ako nagsimulang mag mature ng pag-iisip.  Pero syempre hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko. Ang pagiging third year ang hinihintay ng halos lahat ng highschool student. Kasi dito nagaganap ang “JUNIOR SENIOR PROM”. Halos lahat ng kabataan ay hinihintay ito. Syempre Masaya ako dahil nkasayaw ko ko ang crush ko na itago nalang natin sa pangalang “A”. Kahit sino naman siguro ay kikiligin pag nakasayaw ang crush niya. At syempre hindi ko din malilimutan ang last dance ko na si “RENZ ESEO”. Pati na ang tugtog na “TWO IS BETTER THAN ONE” . Naging makabuluhan naman ang third year life ko.
3rd year
Bakasyon naman ng magkaroon kami ng lugawan sa Alaminos. Noong una ay mayroon na akong binatang nakikita doon ng mga panahong iyon ay hindi  pa ako masyadong interesado sa kanya. Dahil ang tigin ko ay college na siya. Naging maayos  naman ang benta ng lugawan naming, kaya kinailagan naming lumipat doon. At ng dahil doon kaya mas lalung napalapit ang loob ko kay Darryl.
Hmm.Yehey ! Ito na  “fourth year” na ako. Kailagan todo aral na na kasi gagraduate na. Andami kong karanasan. Dito lang ako unang natutong uminom. Kala ko dati hindi iyon masarap pero mali pala ako. Sabi nga nila parte iyon ng paglaki. Noong una akong nag-inom pag-uwi ko ay akala ni mama ay nilalagnat ako  dahil namumula ako, pinainom pa ako ng gamut. Syempre hindi ko sinabi na nag-inom ako dahil mapapagalitan ako. Nakonsensya ako dahil nagsinungaling ako. Pero noong nagtagal ay nalaman din nila. Masayang mapabilang sa “4-A”. Dahil masasaya silang kasama. Pag minsan medyo ginagabi na din ako ng uwi. Sasabihin ng mama ko “oh anu naki-pag date kana naman?” Natatawa na lamang ako sabay sabing “ nakipag-date eh wala ngang bf”.
Sa seksyon 4-A  lagging may comedy. Andito rin ang bestfriend kong si clodin at medz. Ditto na nag simula sng love story naming na Darryl. Nagkaka-txt na kami ng matagal. Nang minsang magka-sakit ako ay nalaman niya at ng makita niya si mama ay tinanong niya ito kung kamusta na ako? At ng ikuwento ito sa akin ni mama ay kinilig naman ako.

hapi'hapi
October 1, 2010 ng sinabi niya sa akin na gusto daw niya ako. Siyempre gusto ko siya ng mga panahong iyon, kaya naging kami. Pero hindi iyon nagtagal kasi nagging sila na ulit ng dati niyang girlfriend. Siyempre masakit sa akin ang nangyari kasi parang ginawa lang niya akong panakip butas. Pero ilang araw lang ang nakaraan ay na-realize ko na hindi ako dapat manghinayang sa kanya, dahil wala pa naman kaming happy memorise sa isat-isa. Sa ngayon pag naalala ko ang nangyari ay natatawa na lang ako kasi nagka-boyfriend ako ng halos dalawang oras lng.
:))
Naging masaya ang buhay ko ngayong fourth year, madami akong natutunan. Mga karanasang na hindi ko malilimutan. Pag naaalala ko ang mga pinag-gagawa ko ng bata pa ako ay napapatawa na lang ako.
Habang lumalaki ako ay madaming mga aral sa buhay ang tumimo sa aking isipan. Tulad ng “Sa buhay natin maraming beses tayong madadapa, bumangon man tayo o hindi magpapatuloy ang ikot ng buhay at mauubos ang oras”.
Ngayong malapit na kaming magsipagtapos ng hayskul. Aalis na kami sa paaralang “dizon high” na apat na taon naming naging pangalawang tahanan. Sa pag-alis naming ay baon namin ang magagandang alala at aral na natutunan sa aming pag-aaral. Pati na rin ang pag-asa para sa haharaping panibagong simula.
the end ..

Ang Mga Kwento ng Aking Buhay







Talambuhay ni Earl William Mikhail Flores
(Ang Buhay Ng Ika-apat na Sandigan ng Sandig)







(Ang aking larawan noong ako ay dalawang taon pa lamang)
Noong ika labing tatlo ng hulyo ganap na ala-syete ng gabi, nagsisimulang kumalat ang kadiliman sa buong paligid ay isinilang ang panganay na anak nina Eardelito at Benilyn Flores. Isa iyong batang lalaki na ang pangalan ay Earl William Mikhail Flores, na walang iba kundi ako. Ako ay lumaki sa piling ng aking lolo at lola, ganun pa man hindi nagkulang ang aking magulang sa tulong at suporta sa akin. Noong ako ay nagdiwang ng aking ika-unang  kaarawan, marami akong handa tulad ng spaghetti, hotdog na  nakatuhog sa stik, at cake. Marahil ito na ata ang isa sa pinakagusto kong parte ng aking pagkabata, kahit na wala akong masyadong nakain ng panahong iyon.


Lumipas ang 3 na taon ng aking buhay ng masasayang alaala, natatandaan ko pa na lagi akong kinukuha na abay pag may ikinakasal. Natatandaan ko rin na laging may dalang laruan ang aking tiyahin para sa akin tuwing siya ay bibisita sa amin.

(Kuha noong ako ay 5 taon)
(Picture noong ako ay umbay)
Ng naging limang gulang na ako ay marami akong nagging kaibigan sa aming nayon. Natatandaan ko pa ang ginagagawa naming sa laruan ko, isinusub-sob ko ito sa lupa na kuwari ay kinakain nya pa siya ay lumakas. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan gayun din konting kaaway. Naaalala ko pa na pinagbawalan ako ng aking lola na maglaro, ngunit sa katigasan nga ng aking ulo ay ginawa ko pa rin, kaya ng pag uwi ko sa amin ay binuntal ako ng lola ko dahil napakadumi ko, ng sumunod na lingo ay napagalitan na naman ako ng lola ko, sa kadahilanan na sinuway ko na naman ang bilin nya. Sinabi niyang wag daw akong magpapagabi sa pag lalaro, ngunit gabi na akong umuwi dahil nakipaglaro ako ng taguan sa aking mga kalaro, kaya ng pagdating ko sa amin ay katakot takot na kurot pingot sa tenga, pitpit ng kamay ang aking napala. Hindi pa nakaka isang linggo ay meron na naman akong nagawang kasalanan, ngunit naiiba ito sa iba kong istorya. Nasa niyugan kami noon ng aking kaibigan. Nagpunta kami doon dahil manghuhuli kami ng salagubang at ng baka bakahan sa may manggahan. Nang nakahuli na kami, ay binilang naming yung salagubang na aming nahuli. Nagtaka kami dahil nagkulang iyon ng dalwa. kaya tinanong ko dun sa isa bata na nakatambay doon sa may mangga kung may nakita syang mga salagubang na putol yung dalawang paa, ang sinabi niya ay wala daw siyang nakita ngunit ng aking tingnan yung kanyang lalagyan ng salagubang ay nandoon yung isa, kinukuha ko ito at sinabi niyang ibibgay niya sa akin ngunit inihagis nya yung salagubang sa lupa tapos inapakan, natatawa pa siya nang gawin nya iyon. Nag-iyak ako tsaka nagalit dun sa bata. Sinuntok ko ito sa mukha kaya tumigil sya sa katatawa, ginantihan niya ako na dahilan ng pagkakapunit ng aking damit, nakitulong na rin yung kasama ko sa pag bubug-bog dun sa bata. Kaya ng makabangon ito ay nagtatakbo sa kanila at isusumbong daw kami na hindi namn nya ginawa. Nang ako ay umuwi ay akala ko’y mag aalala sa akin ang aking lola at itatanung kung sino ang may gawa sa akin noon at pupuntahan para pag sabihan, ngunit ng ako ay dumating ay galit na galit ito at panting na panting ang tingin sa akin. Nasermonan na naman ako at napagkurot na naman. Lalo na ng mapansin niya ang aking damit na punit at madumi. Lumabas siya at sinabing magintay daw ako sa sala at wag akong aalis, nang siya ay pabalik na ay may hawak siyang uyo na I papalo sa akin! Kaya ako’y nagtatakbo at sa kapitbahay ako nakitulog. Halos ganito lagi ang nangyayari  sa pang araw-araw kong buhay noong ako’y hindi pa napasok sa eskwelahan.
(Ako at ang aking kapatid)
(Kuha ng mahulog ako sa aking bisikleta)
Noong ako’y anim na taon na ay pinapasok na ako sa eskwelahan ng mga magulang ko. Ngunit ayaw ko pang pumasok dahil ayaw ko pa noong iwanan ako ng mag-isa sa hindi ko alam na lugar, kaya noong ako ay napasok na ay nasalabas lang lagi yung lola ko at binabantayan ako, ngunit ng minsan sya ay umalis para bumili ng aking pananghalian ay ako’y nag-iyak ng nag-iyak. Ngunit pagdaan ng panahon ay nasanay na ako ng wala akong kasama dahil marami na akong kaibigan at kakilala. Ang kalbaryo naman na dinanas ko noong grade one ay ang aking teacher. Siya ay napakataray at laging nangungurot ng baba. Ng minsang may pinakokopya sya sa blackboard at ako’y hindi naka kopya ay ako’y napagalitan at hindi ako pinaalis hanggat hindi natatapos ang pinapakopya nya sa akin, kaya mag-gagabi na kami naka-uwi. As usual napagalitan na naman ako at pamula noon ay lagi nang tinitingnan ng aking lola ang aking kwaderno kung ako’y kumopya ng aming lecture. Hanggang nag-grade 2 ako ay ganun ang ginagawa ng lola ko.
(Noong kami ay nag bagong taon)
Nang ako ay tumungtong ng grade 3 ay ang naging teacher ko ay kamag anak ko. Nagkaroon din ako ng bagong kaibigan at bagong kaaway. Minsan noong kami ay nagrerecess ay niyabangan ako ng aking kaklase at ako’y inasar. Nagalit ako at hinamon ko ng panuntok, Ngunit tumunog ang bell at kelangan na naming pumasok kaya ang sabi ko ay mamayang tanghalian na lang. Nang sumapit ang katangghalian ai nagkita kami sa likod tapos nag hayaan kami ng kamay. Ang mga kaklase ko naming lalakeng abno ang referee namin. Eto ang sinabi nya bago kami maglaban “earl at Jairo bawal ang gamitan ng bagay na nakakasakit, suntukan lang.ready na ba kayo? Ok fight!”. Pagkatapos noon ay nagsuntukan na kami noong una ay na malmaan ako. Ngunit nang ikalwang round ay nakabawi naman ako, Ngunit tumigil ito dahil isinumbong kami ng aming mga kaklaseng babae. Kaya nagsitakbuhan kami at nagpulasan. Nang kami’y ipinatawag na dalwa ng aking kaklase ay tinanung ng aming teacher kung sino ang pasimuno. Hindi ako nagsalita, ngunit ang kaklase ko ay sinabing si Bumbay(ang referee namin ng kami ay mag-away) ang may kasalan. Kaya abswelto kaming dalwa sa aming kalokohan at nagging kaibigan ko pa ang nakaaway ko, at si Bumbay naman ang naparusahan ng isang linggo tagalinis ng aming silid.

Ng sumapit ang bakasyon, ay ganun pa rin ang kalakalan ng buhay ko laro sa umaga at sermon sa gabi. Nang minsan pagkauwi ko galing sa bayan ay nakita ko ang aming tricycle na nakataas yung isang gulong. Dahil wala akong magawa ay pinake-alaman ko ito, pinapa-ikot ko ito ng pinapa-ikot, ngunit ng aking ihihinto ang pag-ikot nito ay naipit ang aking hinliliit sa rayos ng gulong kaya nahalit ang laman nito at parang naputulan ng litid ang aking daliri. Tatakbo akong umuwi sa amin habang naiyak.nalos nakalaylay na ang aking kamay. nerbyos na nerbyos ang aking lola, ang sabi niya ay dadalhin nya daw ako sa ospital at ipapatahi ang aking hinliliit.Ayaw kong sumama dahil takot akong ipatahi ang daliri ko sa doctor. Kaya kinuha na lang ng lola ko yung gasa at betadine at inilagay sa sugat na aking natamo.nang maigi-ige na ang aking kamay at may benda na ay nagsimula na ang litanya ng sermon. Pero natutuwa ako dahil alam kong mahal ako ng lola ko, kaya nya nagagawa yon dahil ayaw nya akong masaktan.

Nang ako naman ay tumungtong sa ika-apat na baytang ng pag-aaral sa elementarya ay parang walang nagbago, ganun pa rin ang daloy ng buhay ko, puro kalokohan. Ng kalagitnaan ng agosto ay masasaya kami dahil tag-ulan na naman , Makakapag-pansaw kami sa latian. Ang bahay ng lola kong isa ay nagbabaha kahit kaunting ulan lamang dahil maraming bukal doon sa pinagtayuan nila ng bahay. kaya tuwing naulan ay napunta ako doon at doon nag lalandi ng tubig. Ngunit wala na ito ngayon dahil masyado ng maraming bahay na nakapaligid dito.

(Noong ako ay bibigyan ng parangal)
Nang naging grade 5 naman ako ay naging gala ako at kung saan saan ako nagpupuntang bahay ng kaklase ko para doon kumain. Minsan ay doon ako nakikain sa aking kaklase na malapit sa riles ng tren Kaya pag nakikikain ako doon at biglang dadaan ang tren ay hinahwakan namin yung baso na may tubig dahil matatapon ito sa sahig.

Nang ako'y grade 6 na ay medyo nagseryoso ako sa pag-aaral noong una hanggang pangalwang markahan. Ngunit nagkaroon ako ng bisyo. Ang paglalaro ng video games naaalala ko pa ang pandadaya na gnagawa ko noon makapag laro lamang ng video games, binubutasan ko yung piso at nilalagyan ng sinulid, tapos pag inihulog mo dun sa butas ay higitin mo ng paulit- ulit para dumami yung oras ng iyong paglalaro.Napabayaan ko ang aking pag-aaral kaya bumaba ang aking marka.

(Kaming dalawa ni Pj ay nasa lake dahil bakasyon)
Tumungtong ako sa hayskul bilang isang science student. Naninibago ako dahil wala akong dating kaklase na nakasama sa seksyon na iyon.Buti na lang nakatabi ko sina Wilbert ang batang sabik sa  kanyang mga magulang, si Leo na hindi alam ang kanyang paradahan at si Paul John na Don Romantiko. Sila ang kauna-unahan kong nakilala sa aking pagiging hayskul.Nakilala ko din sina Shidrex na ang hanggad ay ibigin at magpatawa gamit ang kanyang mukha. Si Edward na mahilig asarin si Farouk (kaklase naming serpyente na laging kaaway ni Edward at king mag alburuto ay nawawalan ng itim sa mata) Si kevin na laging nagsusuot ng jogging pants, si Ivan na nagturo sa amin ng 7-11 kurap at si Arjay na  Lapitin ng swerte  sa babae ganun din sa DOTA(isang uri ng laro sa computer). Nakilala ko din si Norlan na mahusay sa math, at mahusay ding mambola. Naaalala ko pa ng ako ay magdala ng piccolo(isang uri ng paputok) sa aming klase, ng katangghalian din iyon ay ako'y nagpapaputok ng piccolo, biniro ko ang isa kong kaklase at  hinagisan ko ito ng palito  na  may sindi, akala niya ay piccolo ito at nag sisigaw at nag-iiyak. kaya naman bago matapos ang aming oras para mananghalian ay ako'y napagsabihan ng butihin naming guro na si Mrs. Montaña.  Mga 5 beses akong naipatawag ni mam Montaña. Naalala ko pa rin ang aming ibinibiro sa  aming kaklaseng si Wilbert na "Wilbert and Claire" doon kasi ay inihahalintulad namin ang dalawa kina Winnie The Pooh. habang si Paul John naman ay napariwara na pag-ibig niya ka Ladilyn Abrigo.Naaalala ko pa ang aming Ibong Adarna dahil napagalitan si Wilbert ng kanyang ina, kung bakit daw baka ito ginagabi eh ang sasabihin lng nito sa aming pagtatanghal ay Mabuhay!Mabuhay!Mabuhay!

Noong ako naman ay naging 2nd year Highschool ay nagsimula ang aking sakit, sakit na hindi magagamot ng madalian, ang  sakit na ito ay ang pagiging huli sa klase. Sa isang linggo siguro ay nakakatatlo akong late, Kasama ko din ang mga taong sandig(sina Wilbert at Paul john) at si Leo. Siguro paghindi kami late ay may gagawin na balita kay mam Hitosis, Kaya naman pagwalang balita ay nag-gagawa ng kanilang balita tulad ng mga ito : 
balita sa sports- Paquiao mabuting boksingero"
balita sa pulitiko- "Arroyo dumalog sa senado"
Piso kontra dolyar- "Php 42.43= 1 dollar"
O kaya'y palitan ng piso kontra pipinong tagalog - 1 kada    dalawang pipino
balitang pang ekonomiya- "Bilihin tumaas ang presyo"
at marami pang iba.

(J.S. noong 3rd year)
Nag-iba ang lahat noong kami naman ay nasa ikatlong baytang ng pag-aaral ng sekondaryang paaralan.Marami ang nag-bago,  Naging kwela si Arjay, gumandang lalake si Shidrex, Nagmahal si Ivan, Napasolve ng Math si Paul John, tumikas si Genard, namayat at lalong kumulot si Wilbert, at tumangkad ako. Noong taon din iyon nagalit ng husto si Farouk dahil sa hindi inaasahang dahilan, pinagbantaan kami na kikitilin daw ang aming buhay sa Nobyembre 28, nangtiningnan namin ang petsang sinabi niya sa birthday corner ay  nakita namin na kaarawan pala ni Liza ang araw na iyon kaya natawa na lang kami. Lagi din kaming late noon nina Wilbert noong kami ay  Science pa kaya lagi kaming tambay sa tindahan ng ice cream at titingin-tingin kung nakaalis na ang aming guro sa pisika. Kaya ng mag tapos ang taong iyon ay kami'y bumaba ng isang antas. Bago kami umalis ay nag-outing kami ng aming mga dating kaklase.

(Outing ng aming barkada)
(Kaming apat nina Rain, Pj, Kevin)
 Nang nagsimula ang aking huli at  natatanging pag-aaral sa ika-apat na antas ay kakaunti lamang ang aking kilala. natatakot pa ako noon sa aming mga kaklaseng babae dahil mga mukang matataray. ngunit mali pala ako doon, nakilala ko kasi sina Edelito, ag taong dalwa dalwa ang kuntil, si Roi, ang batang may pakisama at nangangailangan ng pakisama, si Jansen namagaling mag gitara ngunit may kadamutan,si Gimuelle na isa ding taong Sandig, at si Lucido ang tahimik ngunit patawang tao, kasama ko pa rin sina Wilbert at Pj. Ang kauna-unahang kong kaklaseng nakilala sa babae ay si Elaine dahil doon sa aming Science buddy. Hindi ko rin makakalimutan ang laging sinasabi ng aming Gng. Inay  "mga anak, pa-iralin ang katapatan sa klase". Lagi din kaming nakatambay kay kuya Vergilio "Gabor" gaborcilio. Minsan din ay hindi kami nagawa ng T.L.E     namin ni Aro. Minsan din ay ayaw naming pumasok sa aming klase.

(Litrato ng kami ay pumunta kay Roi na bahay)
Nang kami ay nasa kalagitnaan na ng 2nd grading ay pumunta kami kina Roi na bahay, kami ay nanguha ng buko, nagluto  ng ulam at nag-saing, wala akong binayaran dahil inilibre ako ng aking matalik na kaibigan na si kevin. Nang kami naman ay sasali sa cheer dance, ang dami laging wala lalo na si edelito. Kaya laging napapagalitan. Nang kami naman ay nag-JS ay gwapo lahat ng lalake. lalo na si Edelito na mukhang bilyinaryo ng nakita ko, Nakakita din ako ng tunay na taong hawayan, ito ay walang iba kundi si Jansen, suot nyang parang mantel ng lamesang damit.

(Ang mga gwapong Sandig Boys at ako)
Ngayong ako ay magtatapos na pinapasalamatan ko unang-una ang Panginoon dahil sa binigay nyang buhay sa akin, sa aking mga kapamilya na sumusuporta sa akin sa mga kaibigan kong tapat na tulad nina Wilbert at Paul John na hindi ako iniiwanan, at sa tadhana na naghatid sa akin sa ganitong sitwasyon.  Dahil hindi ko pinagsisisihan ang lahat nang naging desisyon ko sa aking buhay

Salamat pagbabasa!