Search This Blog

Saturday, February 19, 2011

TALAMBUHAY NI KRISLYN JOY M. CACAO Ang babaing marunong magpahalaga

            Ako si Krislyn Joy M. Cacao na may palayaw na Islen.  Akoy’y isa sa mga naninirahan sa Barangay San Buenaverntura sa Lungsod ng San Pablo.  Ako’y bunsong anak nina Crisostimo B. Cacao at Jocelyn M. cacao at may dalawang kapatid na sina Kristina at Chris Aldwin M. Cacao.  sa kasalukuyan ako’y nag-aaral  sa paaralan ng Col. Lauro Dizon Memorial National HighSchool dito sa San Pablo. At nagtapos ng elementarya sa paaralan ng San Buenaventura Elementary School.
Mamemertdeyan...hehe

            Batay sa kwento ng aking pamilya sanggol pa lamang ako ay sobra ng lakas umiyak na halos pati mga kapitbahay ay naiingayan sa akin.  Pero napansin ko na kabaligtaran ang nangyari.  Kung noong sanggol pa ako’y maingay ngayon namang  malaki na ako ay biglang tahimik na hindi masyado umiimik at hindi din palangiti.

Graduation Kinder
            Pagpasok ko sa elementarya, unang antas pa lamang ay ako’y umulit na. Hindi dahil sa may mababa akong marka kundi masyado pa akong bata para mag-aral sa unang antas.  Itinuring ako ng aking guro na parang bunsong anak.  Pinapatulog pa ako ng aking guro sa loob ng silid-aralan.  Pati mga kamagaral ko ay naiiingit sa akin.  Patuloy pa din akong nag-aral na dumating sa panahon na ako’y marunong ng magpahalaga sa aking kapwa at marunong ng gumalang.  Nasa elementarya pa lang ako ay marami na akong kaibigan marunong na akong rumespeto sa mga nakatatanda sa akin. Lahat ng utos nila ay ginagawa ko ang magtinda, maglinis ng silid at lumahok sa mga proyekto.  Nabigyan ako ng pagkakataon para maipakita ang aking lakas  sumali ako  sa isang laro kagaya ng football.  Doon at natuto akong makisama, maging tapat at higit sa lahat tumanggap ng pagkatalo.  Kung minsan at may hindi pagkakaunawaan na lumalabas na nagiging mayabang ako pero ito ay dahil masaya ako at ipinagmalaki  ko ang tagumpay namin. Lahat ng natutunan ko sa panahong ako’y bata pa ay malaking impluwensya para tumungo sa bagong yugto ng buhay.

Napakapal ang lipstick....hehe
            Pagkatapos ko sa elementarya ay sekondarya naman.  Bagong kamag-aral, bagong eskwelahan at bagong kaibigan.  Sa totoo lang ang alam kong papasukan kong seksyon ay ang pinakamataas. Subalit nagkamali lang ang isang guro na nakapasa daw ako sa Science Curriculum.  Kaya napahiya ako dahil naikwento ko na ito sa mga kaibigan ko, pero hindi ito hadlang para sumuko agad ako.  Unang araw pa lang ay marami na akong nakilala.  Nahihiya ako sinubukan ko pa rin.  Kahit hindi sa pinakamataas na seksyon masaya pa din dahil puro kalokohan at tawanan.  Sa una talaga naninibago ako dahil sobrang init at malalayo ang silid aralan.  Hindi ako sanay sa ganito. Nakasanayan ko kasi na malapit lang at hindi masyado mainit.

            Naging masaya din ang ikalawang antas ko sa sekondarya.  Kahit na may mga kaklase akong napalipat ng seksyon at umalis na dito sa San Pablo. Hindi pa din namin malilimutan ang pinagsamahan namin at ang aming pagkakaibigan.  Madaming masasayang nangyari sa mga panahong ito.  Nagkaroon kami ng mga bagong kaibigan na mga fourth year  students kung saan sila ang nagturo sa amin ng pagsasadula sa Florante at Laura.  Nakakapagod ang pagsasadulang ito, dahil tuwing hapon ay nageensayo kami, minsan pa nga ay ginagabi kami sa paguwi para lang mapaganda ang pagsasadulang ito masaya pero nakakapagod talaga.  Nagdulot naman ito ng maganda na para sa amin.  Nagkaroon kami ng mataas na marka at talagang nababagay sa amin yon dahil pinaghirapan namin ito.

Ganda ko dito...
            Sa labing  limang taon ko dito sa mundo hinding-hindi ko malilimutan ang naranasan  ko noong ako at nasa ikatlong antas na.  Dito nagsimula ang pinakamasayang araw sa aking buhay.  Lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigan.  Maraming kwentuhan, maraming kasalawan, maraming gala at maraming kalokohan.  Sa tuwing may kaarawan ang isa sa amin at lahat kami ay imbitado at magkakainan sa isang bahay.  Kapag may piyestahan at kahit ano mang okasyon magkakasaman kami.  Hindi talaga matatawaran ang kasiyahang ito.  At isa pang nakakatuwa sa taong iyon ay noong nagkaroon ng isang konsyerto sa aming paaralan.  Isang napakasiyang gabi, kasali sa sayawan ang mga kaklase ko kaya nakakatuwang manood.  Todo suporta kami sa kanila.  Mistulang parang tunay silang artista at kami ang kanilang tagahanga.  Dalawang beses nagkaroon ng konsyerto sa aming paaralan una noong Disyembre at sumunod pa ay noong Pebrero.  Bago ang lahat ng iyan, may kaganapan na hindi ko inaasahan.  Isang kaibigan ang gumawa ng masama kaya nabawasan ang pagtitiwala ko sa kanya.  Lagi ko pa naman siyang katabi buong araw.  Para sa akin hindi magandang dahilan ang kagipitan sa pera para siya ay kumupit sa kanyang pamilya.  Sana lang naging bukas siya sa amin para natulungan naming siya.  Pero ano pa ba ang magagawa ko?  Nagawa na niya ang kanyang kasalanan.  Sana lang pagsisihan niya iyon.  Pinilit naming kalimutan ang nangyari patuloy pa ding ang kasiyahan.  Bago pa man magtapos ang taon na iyon.  Marami kaming bahay na pinuntahan para magsayahan, pero pagkatapos noon, madaming mawala sa amin.  Napalipat ang iba sa ibang seksyon  at ang iba ay lumipat na ng tirahan.  Napasaklap ng ganoong pangyayari.  Sa likod ng kasiyahan ay may kalungkutan din.  Ito ang natutunan ko sa pangyayaring ito.  Dapat bawat araw ay pahalagahan, bawat kaibigan at bawat kasiyahan o kalungkutan.  Dahil hindi lahat ng tao nagpapasaya sa iyo ay permanente sa buhay mo.

"Hawaiian Theme"  Last JsProm
            Ito ang huling taon ko sa sekondarya.  Masaya na may halong kalungkutan.  Masaya dahil nadagdagan kami ng mga bagon kaibigan at malungkot dahil may napahiwalay na sa amin at alam namin na huling taon na namin ito.  Bawat araw sinulit namin.  Simula noon magkaroon kami ng cheerdance, hindi talaga malilimutan ang pangyayaring iyon.  Nagkaroon pa ng palaro na kalaban ang ibat-ibang seksyon.  Nakakapagod na masaya.  Lalo na’t kami ang nanalo sa football at volleyball.  Pagkatapos noon nagkaroon naman kami ng Junior Senior Prominade.  sobrang saya, nakakabitin nga lang.  Pati ang napakabait naming guro ay masaya sa piling namin.  Kahit medyo masama ang panahon tuloy pa din.  Unti-unting bumibilis ang panahon natapos na ang Junior Senior Prominade tapos isang konsyerto naman tapos graduation na.  Nakakalungkot dahil magkakahiwahiwalay na kami.  Para sa akin napakabilis talaga ng oras.  Dati rati lang bagong bago lang ang paaralan na ito tapos ngayon lilisanin na ito.  Hindi ba’t nakakalungkot?  Ang dami kong mga kaibigan dito maraming masasayang sandali.  Lahat ng ito maaalala ko kapag umalis na ako.  Mga kaibigan na puro kasalawan, mga kakilala na puro asaran at bawat sulok ng paaralan ay nangyayari ang tawanan.

No comments:

Post a Comment