
Ako si Marry Ann Angel M. Aviquivil. Ang haba ng pangalan ko ano. Pero marami ang natawag na Angel, ang iba naman Gel. Ako ay ipinanganak dito sa Pilipinas, pero dun ako lumaki sa Saudi Arabia hangang apat na taon ako dun. Dahil dun nagtatrabaho ang aking mga magulang at dun sila nagkakilala. Kung hindi sila nagkakilala hindi ako mabubuo at walang anghel na darating sa buhay ng aking mga magulang.
Ipinanganak ako noong Marso 6, 1995 sa Medical Hospital. Mapalad at normal lang ako .Masaya ang aking mga magulang na ako ay naisilang na unang babaeng anak sa kanila dahil ako ay may kapatid na dalawa sa ama. Dahil hiwalay na sila ng aking papa kaya siya ay nagpakasal sa aking mama. Hindi ko masasabing “broken family” ang aking pamilya. Dahil una hindi ko iniisip na pangalawa lang kaming pamilya, dahil tinuturing kami ng aking papa na iisang pamilya at sa mga kapatid kong dalawang lalake ay tanggap nila ako at si mama.


Ako ay isang Born Again Christian, lake akong laging nasa simbahan at isang mananayaw. Aking buong pamilya ay buong Born Again Christian. Nagpapasalamat ako dahil sila ang aking mga magulang at pinalaki akong may takot sa Diyos. Nagpapasalamat rin ako dahil nagkaroon ako ng pangalawang parang kapatid at sila ay aking kasama sa pagsasayaw sina Billy, MV at Dannah at marami pang iba sila ay aking laging kasama. Pagminsan mula nang bata pa kame. Kame ay nasayaw na sa Panginoon, ako ang pinaka bata sa dalawang mas matanda sa si Billy at MV. Pag may problema ako alam nila dahil matagal na nila ako nakakasama at alam na nila ang bawat galaw ko kaya sila ay tinutulungan ako at palage kong nsa tabi.
Pag bakasyon lage kame nn napuntang Manila dahil pinupuntahan naming ang aking lola na nanay ni mama. Doon lake ang aking mama at duon siya nakatira. Nandun ang aking mga tito, tita at mga pinsan, mga pamangkin na rin sa pinsan. Marami akong kamag-anak sa pamilya ng aking mama dahil marami sila. Sa pamilya ng aking papa marami rin sila nandito sa Pilipinas at ang iba naman ay nasa Amerika. Masaya ako kapag nakikita ko at nakakasama ang mga pinsan ko dahil makukulit sila. Ang iba kong pinsan ay may mga asawa na kaya meroon na akong mga pamangkin sa pinsan at ito’y mga anak nila. Noong nakaraang bakasyon ang ginawa ko ay tumulong sa aking tatay nang pangangampanya dahilang ang aking papa nangandidatong konsehal ng bayan. Medyo pagod kaming buong pamillya sa araw-araw dahil masaya namn kahit papano kasi marami akong nakilala sa buong San Pablo at iba’t ibang nasa pulitika at mga tao dito sa buong San Pablo. Marami akong mga nakahalubilong tao may masayahin, may mabait at makukulit na makakasama. Nakasama ko palagi sa pangangampanya ay grupo ng mananayaw at iba’t ibang mga nag peperform sa Manila. Kaya ito ay bisang magandang bakasyon na dumating sa aking buhay dahil kasama ko ang aking buong pamilya sa araw-araw.

Nang pumasok ako sa Dizon High marami akong nakilalang mga kaibigan. Naka kita ako ng isang lalaki na hanggang ngayon ay kami parin dahil siya ay aking Boy friend na siya ay si Ruel Salcedo, na nag bibigay inspirasyon sa aking araw araw at pinapasaya ako, pinapangiti ako sa araw-araw kahit hindi ko siya kasama. Maraming mga problema na dating sa amin pero ito ay na sosolusyonan naming at hindi kami nasuko. Masaya ako sa realasyong ito.
Ngayong 4th yr na ako ang daming palaging ginagawa at ito ang pinaka masayang sekondarya sa buhay ko. Dahil masayang kasama ang aking mga kaklase ko at hindi nakakasawa. Dahil araw araw sa silis aralan ay palaging nag tatawanan, nag kukuwentuhan at nag kakantahan. May iba’t ibang ugali at mundo ang mga kaklase ko pero pag nag karoon ng paligsahan at sinasalihan ng aktibidades ay kami ay nanalo dahil nag kakaroon ng kooperasyon at palagi nag tutulungan sa lahat. Kahit minsan nag kakaroon ng galitan, awayan at hindi pag kakaintindihan ay ito ay nasosolusyonan at natatapos din. Ang pinaka masayang araw ko sa 4th yr ay ang JS o ang junior and senior prom, ito ay isang pag diriwang na hindi ko malilimutan at pinaka mgandang pang yayari dahil ito ang huling pag diriwang sa aking buhay. Kaya nag pakasaya na ako sa araw na iyon.
Ayan malapit na akong makatpos ng pag-aaral sa sekondarya. Alam kong may nag iintay sa akin kapalaran at makakakuha ako ng magandang kurso sa kolehiyo. Mag tatapos ako ng pag aaral at susundin ko kung anong gusto kong marating at ito’y makakamit ko.
No comments:
Post a Comment