TALAMBUHAY NI JULY BANAAG
(Ang Kweto ng Batang Sawi Sa Pag-Ibig)
![]() |
Sa larawang ito ako ay 1 taong gulang na. |
Noong ako ay nasa murang edad at kaisipan wala akong ginawa kundi ang maglaro, matulog, magtakaw o kumain,at magkalat. Habang ako ay lumalaki ay marami akong matututunan kaya sa murang edad ng lima ay ako ay pumasok na sa Kinder. Iyakin ako noon at ayaw na ayaw ko na ako ay iiwan ng aking mga kamag-anak. Natapos ko na ang kinder, at tutungtong na ako ng elementarya bilang Grade-1. Hindi ako tinanggap sa Central sa pagkat ako daw ay sobrang liit at hindi pa daw ako bagay mag-isang baitang dahil daw sa aking taas. Kaya ako ay umulit pa ng isang beses sa kinder sa P. Alcantara.Nakapagtapos at Natanggap na rin akong grade-1 sa gulang na pito sa paaralan ng Ambray sa may Maharlika highway. Tanda ko pa noong unang pasukan ay ang saya-saya ko at gustong- gusto ko laging sasagot sa mga tanong ng guro.
![]() |
Sa larawang ito ako ay 4 na taong gulang na. Bakasyon namin sa Baguio. |
Nasa ika-tatlong baitang na ako, kung saan ako ay na pabilang na sa pinakamataas na seksyon. Dito marami akong nakilala. Masaya ako sa mga panahong iyon. Dito rin ako nabangga ng sasakyan kasama ng aking kapatid at ina. Agad naman kaming tinulungan ng nakabangga sa amin at dinala sa ospital. At nakalimutan kong sabihin na bago ako tumuntong sa unang baitang ay inoperahan ako sa malapit sa may dibdib dahil sa nakitaan ng sis bukol na maaaring lumala kung hindi maaagapan. Tagumpay naman ang nangyaring oprasyon salamat sa Diyos.
Sa ikaapat na baitang dito ako unang nagkaroon ng crush dahil sa boses at ugali niyang kay ganda. Masaya ako sa panahong ito, tanda ko na dito natutong maglaro ng kinahihiligan ko ngayong basketbol. Palagi kaming nag lalaro ng basketbol kapag awas na kami sa likod lamang ng paaralan. Marami pang-nangyari sa panahong ito pero itutuloy ko na sa pang limang baitang.
Sa ikalimang baitang ay dito na ako natutong maglaro ng komputer. Naadik ako. pero sa pag-laon ay minsan n lang akong makapaglaro at bumalik ako sa kinahiligan kong basketbol. Dito ay nakapag-buo kami ng grupo ay sumali sa liga ngunit tatluhan lamang. Hindi kami pinalad na manalo. 0-3 ang aming rekord, wala kaming naipanalo marahil ay dinaya rin kami sa oras, pero wala na kaming nagawa pa. Sa katapusan ng Grade-5 ay bakasyon na ulit. ko ay muling nabangga ng rumaragasang tricycle at ako ay napahiga sa kalye sa lakas ng pagkakabangga. Segundong dumilim ang paningin ko, at agad bumaba ang drayber para ako ay tulungan. Sinabihan niya ako na dadalhin sa ospital, Ngunit ako ay tumanggi sapagkat baka ako ay mapagalitan ng aking mga magulang, pagkat ako ay tumakas lamang sa amin upang mag-gala. Umuwi akong nananakit ang aking kanang braso. Dahil na rin ay minsan ng nasaktan at nabalian ang kang braso ko noong ako ay bata. Tumalon ako sa upuan at ang nasa-isipan ko noon ay ako si superman, ayun nabalian ang kang braso ko at halata sa ngayon pagkat hindi ito pantay.
Tumuntong na ako sa pinakahuling baitang, ang Grade-6. Dito mas umangat ang karir ko sa pag-aaral. Ako ay napasali sa isang science quiz bee sa unang pagkakataon. Hindi man ako pinalad sapagkat una ko palang itong sali. Ako ay tuwang-tuwa at dahil nakuha ng kaklase ko ang unang parangal sa science quiz bee, siya ang valedictorian namin noong grade-6. Masayang masaya ako kahit pangpito lamang ako. Pagkatapos ng saya, ay isang gabi. Ako ay umuwi upang kumain. May ulam na Hotdog, Isda at ham noon. Nakita ko rin ang maiinit na sabaw ng tahong. at kinain ko rin ito at inulam. Ilang sandali ay sumama ang pakilasa ko, agad akong nahiga sa upuan.Nakita na lang ako ng aking ina na putlang putla.At agad akong tinanong kung ano ang nangyari, sinabi ko na kinain ko lang yung tahong ay sumama na ang pakiramdam ko. Agad naman akong sinubuan ng isang kutsarang asukal ng aking ina at isinugod sa ospital. Agad naman akong tinurukan ng isa yatang baguhan na nurse. Kinabukasan ay nawala nga yung sama ng pakiramdam ko, ngunit lumaki at namaga ang kanang braso ko, sapagkat mali ang pagturok nang nurse, sapalagay ko na na-red tide ako noon at muntik na akong mawala sa pang-apat na pagkakataon . Tapos na ang lahat at ako'y bumalik na sa paaralan. Agad akong kinamusta nila. Nagsimula ulit akong maghabol at sa huli ay nakuha ko ang parangal na 5th special mention.
![]() |
JS nung 3rd year |
![]() |
JS nung 3rd year |
Second year na ako, dito ako unang umibig. unang minahal ko ay ang aking kaklase na si "Marenelle Bayan".Nagkaroon din ako ng pagpipilian na kung itutuloy ko pa ang pag-ibig ko o huwag na lamang dahil nagmamahalan sila ng kaibigan ko kahit di sila. Dito na ako nalito hanggang isang araw nagkaroon ako ng kasintahan na hindi ko naman minahal. Tanging pag -sisinungalin ang nagawa ko sa pitong bwan naming pagsasama. Hindi kasi maayos ang nangyari noong simula dahil siya ang nagtanong at ako'y napasagot lamang ng oo. Ngunit natapos din ang panloloko ko dahil sa tagapayo ko na walang iba kundi si "Marenelle". Hanggang natapos ko na at 3rd year na dito ako napariwara ng husto.
Hindi ako nagkaroon ng kasintahan ng buong 3rd year ko. Ngunit nakapanligaw ako ng 10 months Pinilit ko, kinulit, umaasa ako na mamahalin din ako ni "Shiara Mae Sabirin".Minahal din naman daw nya ako, talaga lang na bawal pa siya. Kaya wala na akong nagawa.Nakatanggap ako ng souvenir sa kanya noong shidig . First time na nangyari sa akin iyon at hindi ko makakalimutan.
4th year na, kasalukuyan, dito ako nagkaroon ng kasintahan sa ikalawa at ikatlong pagkakataon. Naging mahal ko si "Krislyn Cacao" babaeng hindi ko naman mahal noong una at binabale wala ko lang ang pinakamahal kong babae. Marami kaming naging problema, selosan, hindi pagkakaunawaan at tampuhan. Nauwi lang sa wala ang lahat. At nalaman ko rin na lokohan lang sa kanya ito. Nakaroon din ako ulit ng kasintahan sa tulong ni David ang kaklase ko. Masaya na ako akala ko ay siya na ang mamahalin o sa habang buhay pero hindi rin pala, napakasaya ko noong kami pa. Nakatanggap din ako ng souvenir noong kami pa. Ikunuwento ko pa rin iyon kay " Marenelle". Tapos bigla ng nagbago ang lahat. Nakita daw nang mommy niya ang sulat para sa kanya para sa monthsary namin. Nakipag hiwalay siya sa akin bisperas ng Pasko. Napakasakit at wala na akong ginawa kundi mag-mukmok, hindi kumain ng wasto at magpatugtog ng mga senting kanta, haabang nagtagal ay natanggap ko rin at gusto ko na lang makipagkaibigan sa kanya ngunit ibang-iba na siya sa nakilala kong si "Beverly".
![]() |
JS nung 3rd year |
No comments:
Post a Comment