Search This Blog

Friday, February 18, 2011

Ang Mga Kwento ng Aking Buhay







Talambuhay ni Earl William Mikhail Flores
(Ang Buhay Ng Ika-apat na Sandigan ng Sandig)







(Ang aking larawan noong ako ay dalawang taon pa lamang)
Noong ika labing tatlo ng hulyo ganap na ala-syete ng gabi, nagsisimulang kumalat ang kadiliman sa buong paligid ay isinilang ang panganay na anak nina Eardelito at Benilyn Flores. Isa iyong batang lalaki na ang pangalan ay Earl William Mikhail Flores, na walang iba kundi ako. Ako ay lumaki sa piling ng aking lolo at lola, ganun pa man hindi nagkulang ang aking magulang sa tulong at suporta sa akin. Noong ako ay nagdiwang ng aking ika-unang  kaarawan, marami akong handa tulad ng spaghetti, hotdog na  nakatuhog sa stik, at cake. Marahil ito na ata ang isa sa pinakagusto kong parte ng aking pagkabata, kahit na wala akong masyadong nakain ng panahong iyon.


Lumipas ang 3 na taon ng aking buhay ng masasayang alaala, natatandaan ko pa na lagi akong kinukuha na abay pag may ikinakasal. Natatandaan ko rin na laging may dalang laruan ang aking tiyahin para sa akin tuwing siya ay bibisita sa amin.

(Kuha noong ako ay 5 taon)
(Picture noong ako ay umbay)
Ng naging limang gulang na ako ay marami akong nagging kaibigan sa aming nayon. Natatandaan ko pa ang ginagagawa naming sa laruan ko, isinusub-sob ko ito sa lupa na kuwari ay kinakain nya pa siya ay lumakas. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan gayun din konting kaaway. Naaalala ko pa na pinagbawalan ako ng aking lola na maglaro, ngunit sa katigasan nga ng aking ulo ay ginawa ko pa rin, kaya ng pag uwi ko sa amin ay binuntal ako ng lola ko dahil napakadumi ko, ng sumunod na lingo ay napagalitan na naman ako ng lola ko, sa kadahilanan na sinuway ko na naman ang bilin nya. Sinabi niyang wag daw akong magpapagabi sa pag lalaro, ngunit gabi na akong umuwi dahil nakipaglaro ako ng taguan sa aking mga kalaro, kaya ng pagdating ko sa amin ay katakot takot na kurot pingot sa tenga, pitpit ng kamay ang aking napala. Hindi pa nakaka isang linggo ay meron na naman akong nagawang kasalanan, ngunit naiiba ito sa iba kong istorya. Nasa niyugan kami noon ng aking kaibigan. Nagpunta kami doon dahil manghuhuli kami ng salagubang at ng baka bakahan sa may manggahan. Nang nakahuli na kami, ay binilang naming yung salagubang na aming nahuli. Nagtaka kami dahil nagkulang iyon ng dalwa. kaya tinanong ko dun sa isa bata na nakatambay doon sa may mangga kung may nakita syang mga salagubang na putol yung dalawang paa, ang sinabi niya ay wala daw siyang nakita ngunit ng aking tingnan yung kanyang lalagyan ng salagubang ay nandoon yung isa, kinukuha ko ito at sinabi niyang ibibgay niya sa akin ngunit inihagis nya yung salagubang sa lupa tapos inapakan, natatawa pa siya nang gawin nya iyon. Nag-iyak ako tsaka nagalit dun sa bata. Sinuntok ko ito sa mukha kaya tumigil sya sa katatawa, ginantihan niya ako na dahilan ng pagkakapunit ng aking damit, nakitulong na rin yung kasama ko sa pag bubug-bog dun sa bata. Kaya ng makabangon ito ay nagtatakbo sa kanila at isusumbong daw kami na hindi namn nya ginawa. Nang ako ay umuwi ay akala ko’y mag aalala sa akin ang aking lola at itatanung kung sino ang may gawa sa akin noon at pupuntahan para pag sabihan, ngunit ng ako ay dumating ay galit na galit ito at panting na panting ang tingin sa akin. Nasermonan na naman ako at napagkurot na naman. Lalo na ng mapansin niya ang aking damit na punit at madumi. Lumabas siya at sinabing magintay daw ako sa sala at wag akong aalis, nang siya ay pabalik na ay may hawak siyang uyo na I papalo sa akin! Kaya ako’y nagtatakbo at sa kapitbahay ako nakitulog. Halos ganito lagi ang nangyayari  sa pang araw-araw kong buhay noong ako’y hindi pa napasok sa eskwelahan.
(Ako at ang aking kapatid)
(Kuha ng mahulog ako sa aking bisikleta)
Noong ako’y anim na taon na ay pinapasok na ako sa eskwelahan ng mga magulang ko. Ngunit ayaw ko pang pumasok dahil ayaw ko pa noong iwanan ako ng mag-isa sa hindi ko alam na lugar, kaya noong ako ay napasok na ay nasalabas lang lagi yung lola ko at binabantayan ako, ngunit ng minsan sya ay umalis para bumili ng aking pananghalian ay ako’y nag-iyak ng nag-iyak. Ngunit pagdaan ng panahon ay nasanay na ako ng wala akong kasama dahil marami na akong kaibigan at kakilala. Ang kalbaryo naman na dinanas ko noong grade one ay ang aking teacher. Siya ay napakataray at laging nangungurot ng baba. Ng minsang may pinakokopya sya sa blackboard at ako’y hindi naka kopya ay ako’y napagalitan at hindi ako pinaalis hanggat hindi natatapos ang pinapakopya nya sa akin, kaya mag-gagabi na kami naka-uwi. As usual napagalitan na naman ako at pamula noon ay lagi nang tinitingnan ng aking lola ang aking kwaderno kung ako’y kumopya ng aming lecture. Hanggang nag-grade 2 ako ay ganun ang ginagawa ng lola ko.
(Noong kami ay nag bagong taon)
Nang ako ay tumungtong ng grade 3 ay ang naging teacher ko ay kamag anak ko. Nagkaroon din ako ng bagong kaibigan at bagong kaaway. Minsan noong kami ay nagrerecess ay niyabangan ako ng aking kaklase at ako’y inasar. Nagalit ako at hinamon ko ng panuntok, Ngunit tumunog ang bell at kelangan na naming pumasok kaya ang sabi ko ay mamayang tanghalian na lang. Nang sumapit ang katangghalian ai nagkita kami sa likod tapos nag hayaan kami ng kamay. Ang mga kaklase ko naming lalakeng abno ang referee namin. Eto ang sinabi nya bago kami maglaban “earl at Jairo bawal ang gamitan ng bagay na nakakasakit, suntukan lang.ready na ba kayo? Ok fight!”. Pagkatapos noon ay nagsuntukan na kami noong una ay na malmaan ako. Ngunit nang ikalwang round ay nakabawi naman ako, Ngunit tumigil ito dahil isinumbong kami ng aming mga kaklaseng babae. Kaya nagsitakbuhan kami at nagpulasan. Nang kami’y ipinatawag na dalwa ng aking kaklase ay tinanung ng aming teacher kung sino ang pasimuno. Hindi ako nagsalita, ngunit ang kaklase ko ay sinabing si Bumbay(ang referee namin ng kami ay mag-away) ang may kasalan. Kaya abswelto kaming dalwa sa aming kalokohan at nagging kaibigan ko pa ang nakaaway ko, at si Bumbay naman ang naparusahan ng isang linggo tagalinis ng aming silid.

Ng sumapit ang bakasyon, ay ganun pa rin ang kalakalan ng buhay ko laro sa umaga at sermon sa gabi. Nang minsan pagkauwi ko galing sa bayan ay nakita ko ang aming tricycle na nakataas yung isang gulong. Dahil wala akong magawa ay pinake-alaman ko ito, pinapa-ikot ko ito ng pinapa-ikot, ngunit ng aking ihihinto ang pag-ikot nito ay naipit ang aking hinliliit sa rayos ng gulong kaya nahalit ang laman nito at parang naputulan ng litid ang aking daliri. Tatakbo akong umuwi sa amin habang naiyak.nalos nakalaylay na ang aking kamay. nerbyos na nerbyos ang aking lola, ang sabi niya ay dadalhin nya daw ako sa ospital at ipapatahi ang aking hinliliit.Ayaw kong sumama dahil takot akong ipatahi ang daliri ko sa doctor. Kaya kinuha na lang ng lola ko yung gasa at betadine at inilagay sa sugat na aking natamo.nang maigi-ige na ang aking kamay at may benda na ay nagsimula na ang litanya ng sermon. Pero natutuwa ako dahil alam kong mahal ako ng lola ko, kaya nya nagagawa yon dahil ayaw nya akong masaktan.

Nang ako naman ay tumungtong sa ika-apat na baytang ng pag-aaral sa elementarya ay parang walang nagbago, ganun pa rin ang daloy ng buhay ko, puro kalokohan. Ng kalagitnaan ng agosto ay masasaya kami dahil tag-ulan na naman , Makakapag-pansaw kami sa latian. Ang bahay ng lola kong isa ay nagbabaha kahit kaunting ulan lamang dahil maraming bukal doon sa pinagtayuan nila ng bahay. kaya tuwing naulan ay napunta ako doon at doon nag lalandi ng tubig. Ngunit wala na ito ngayon dahil masyado ng maraming bahay na nakapaligid dito.

(Noong ako ay bibigyan ng parangal)
Nang naging grade 5 naman ako ay naging gala ako at kung saan saan ako nagpupuntang bahay ng kaklase ko para doon kumain. Minsan ay doon ako nakikain sa aking kaklase na malapit sa riles ng tren Kaya pag nakikikain ako doon at biglang dadaan ang tren ay hinahwakan namin yung baso na may tubig dahil matatapon ito sa sahig.

Nang ako'y grade 6 na ay medyo nagseryoso ako sa pag-aaral noong una hanggang pangalwang markahan. Ngunit nagkaroon ako ng bisyo. Ang paglalaro ng video games naaalala ko pa ang pandadaya na gnagawa ko noon makapag laro lamang ng video games, binubutasan ko yung piso at nilalagyan ng sinulid, tapos pag inihulog mo dun sa butas ay higitin mo ng paulit- ulit para dumami yung oras ng iyong paglalaro.Napabayaan ko ang aking pag-aaral kaya bumaba ang aking marka.

(Kaming dalawa ni Pj ay nasa lake dahil bakasyon)
Tumungtong ako sa hayskul bilang isang science student. Naninibago ako dahil wala akong dating kaklase na nakasama sa seksyon na iyon.Buti na lang nakatabi ko sina Wilbert ang batang sabik sa  kanyang mga magulang, si Leo na hindi alam ang kanyang paradahan at si Paul John na Don Romantiko. Sila ang kauna-unahan kong nakilala sa aking pagiging hayskul.Nakilala ko din sina Shidrex na ang hanggad ay ibigin at magpatawa gamit ang kanyang mukha. Si Edward na mahilig asarin si Farouk (kaklase naming serpyente na laging kaaway ni Edward at king mag alburuto ay nawawalan ng itim sa mata) Si kevin na laging nagsusuot ng jogging pants, si Ivan na nagturo sa amin ng 7-11 kurap at si Arjay na  Lapitin ng swerte  sa babae ganun din sa DOTA(isang uri ng laro sa computer). Nakilala ko din si Norlan na mahusay sa math, at mahusay ding mambola. Naaalala ko pa ng ako ay magdala ng piccolo(isang uri ng paputok) sa aming klase, ng katangghalian din iyon ay ako'y nagpapaputok ng piccolo, biniro ko ang isa kong kaklase at  hinagisan ko ito ng palito  na  may sindi, akala niya ay piccolo ito at nag sisigaw at nag-iiyak. kaya naman bago matapos ang aming oras para mananghalian ay ako'y napagsabihan ng butihin naming guro na si Mrs. Montaña.  Mga 5 beses akong naipatawag ni mam Montaña. Naalala ko pa rin ang aming ibinibiro sa  aming kaklaseng si Wilbert na "Wilbert and Claire" doon kasi ay inihahalintulad namin ang dalawa kina Winnie The Pooh. habang si Paul John naman ay napariwara na pag-ibig niya ka Ladilyn Abrigo.Naaalala ko pa ang aming Ibong Adarna dahil napagalitan si Wilbert ng kanyang ina, kung bakit daw baka ito ginagabi eh ang sasabihin lng nito sa aming pagtatanghal ay Mabuhay!Mabuhay!Mabuhay!

Noong ako naman ay naging 2nd year Highschool ay nagsimula ang aking sakit, sakit na hindi magagamot ng madalian, ang  sakit na ito ay ang pagiging huli sa klase. Sa isang linggo siguro ay nakakatatlo akong late, Kasama ko din ang mga taong sandig(sina Wilbert at Paul john) at si Leo. Siguro paghindi kami late ay may gagawin na balita kay mam Hitosis, Kaya naman pagwalang balita ay nag-gagawa ng kanilang balita tulad ng mga ito : 
balita sa sports- Paquiao mabuting boksingero"
balita sa pulitiko- "Arroyo dumalog sa senado"
Piso kontra dolyar- "Php 42.43= 1 dollar"
O kaya'y palitan ng piso kontra pipinong tagalog - 1 kada    dalawang pipino
balitang pang ekonomiya- "Bilihin tumaas ang presyo"
at marami pang iba.

(J.S. noong 3rd year)
Nag-iba ang lahat noong kami naman ay nasa ikatlong baytang ng pag-aaral ng sekondaryang paaralan.Marami ang nag-bago,  Naging kwela si Arjay, gumandang lalake si Shidrex, Nagmahal si Ivan, Napasolve ng Math si Paul John, tumikas si Genard, namayat at lalong kumulot si Wilbert, at tumangkad ako. Noong taon din iyon nagalit ng husto si Farouk dahil sa hindi inaasahang dahilan, pinagbantaan kami na kikitilin daw ang aming buhay sa Nobyembre 28, nangtiningnan namin ang petsang sinabi niya sa birthday corner ay  nakita namin na kaarawan pala ni Liza ang araw na iyon kaya natawa na lang kami. Lagi din kaming late noon nina Wilbert noong kami ay  Science pa kaya lagi kaming tambay sa tindahan ng ice cream at titingin-tingin kung nakaalis na ang aming guro sa pisika. Kaya ng mag tapos ang taong iyon ay kami'y bumaba ng isang antas. Bago kami umalis ay nag-outing kami ng aming mga dating kaklase.

(Outing ng aming barkada)
(Kaming apat nina Rain, Pj, Kevin)
 Nang nagsimula ang aking huli at  natatanging pag-aaral sa ika-apat na antas ay kakaunti lamang ang aking kilala. natatakot pa ako noon sa aming mga kaklaseng babae dahil mga mukang matataray. ngunit mali pala ako doon, nakilala ko kasi sina Edelito, ag taong dalwa dalwa ang kuntil, si Roi, ang batang may pakisama at nangangailangan ng pakisama, si Jansen namagaling mag gitara ngunit may kadamutan,si Gimuelle na isa ding taong Sandig, at si Lucido ang tahimik ngunit patawang tao, kasama ko pa rin sina Wilbert at Pj. Ang kauna-unahang kong kaklaseng nakilala sa babae ay si Elaine dahil doon sa aming Science buddy. Hindi ko rin makakalimutan ang laging sinasabi ng aming Gng. Inay  "mga anak, pa-iralin ang katapatan sa klase". Lagi din kaming nakatambay kay kuya Vergilio "Gabor" gaborcilio. Minsan din ay hindi kami nagawa ng T.L.E     namin ni Aro. Minsan din ay ayaw naming pumasok sa aming klase.

(Litrato ng kami ay pumunta kay Roi na bahay)
Nang kami ay nasa kalagitnaan na ng 2nd grading ay pumunta kami kina Roi na bahay, kami ay nanguha ng buko, nagluto  ng ulam at nag-saing, wala akong binayaran dahil inilibre ako ng aking matalik na kaibigan na si kevin. Nang kami naman ay sasali sa cheer dance, ang dami laging wala lalo na si edelito. Kaya laging napapagalitan. Nang kami naman ay nag-JS ay gwapo lahat ng lalake. lalo na si Edelito na mukhang bilyinaryo ng nakita ko, Nakakita din ako ng tunay na taong hawayan, ito ay walang iba kundi si Jansen, suot nyang parang mantel ng lamesang damit.

(Ang mga gwapong Sandig Boys at ako)
Ngayong ako ay magtatapos na pinapasalamatan ko unang-una ang Panginoon dahil sa binigay nyang buhay sa akin, sa aking mga kapamilya na sumusuporta sa akin sa mga kaibigan kong tapat na tulad nina Wilbert at Paul John na hindi ako iniiwanan, at sa tadhana na naghatid sa akin sa ganitong sitwasyon.  Dahil hindi ko pinagsisisihan ang lahat nang naging desisyon ko sa aking buhay

Salamat pagbabasa!
  

1 comment: